The Department of Social Welfare and Development (DSWD) is currently looking into more ways of disaster-proofing its programs for the benefit of the agency’s clients.

DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay said one of the goals of the Humanitarian and Development Summit held on September 4, was to discuss ways to foster collaboration and partnership with development partners and other stakeholders to build shock-responsive programs and systems.

“May instruction si Secretary Rex na yung ating mga programa ay disaster-proof. Ibig sabihin during the disaster setting, kailangan mabigyan ng extra na assistance yung ating mga beneficiaries ng programa natin. Isa yun sa pinag-aaralan natin sa Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP),” Undersecretary Punay told reporters at the DSWD-sponsored Summit at the Marco Polo Hotel in Pasig City.

The DSWD undersecretary said the agency is discussing with international partners such as the World Bank (WB) and the Asian Development Bank (ADB) other possible interventions that can be given to the FSP beneficiaries as a way to disaster-proof the program.

“Ano ba yung kailangan nating maibigay sa kanila. Kailangan ba mabigyan natin sila ng another extra grant for the month so isa yan sa mga pinag-aaralan natin sa pakikipagtulungan sa ating mga international partners,” Undersecretary Punay pointed out.

Another example cited by the Undersecretary Punay on how to disaster-proof the agency’s programs is the proposed additional enhancements on the cash grants for the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Katulad din sa 4Ps, napakarami ng benepisyaryo natin dyan, 4.4 million families na mahihirap so kapag sila’y nabaha, automatic yan, wash out ang mga gamit, kailangan ng pambili ng mga notebook ng mga bata so may additional cost na kakailanganin nila so iyon yung pinag-aaralan natin, magkano yung kailangan natin na idagdag doon sa benefits na nakukuha nila ngayon para
maging disaster-proof ang ating mga programa,” Undersecretary Punay explained.

Since the scale up of the FSP, which started in July 2023, the program has already registered more than 130,000 beneficiaries.

Some 25,000 FSP grantees from 23 provinces already started redeeming nutritious food items worth Php3000 from partner retailers using their Electronic Benefit Transfer (EBT) cards.

The FSP provides a holistic approach to addressing involuntary hunger by providing its beneficiaries with access to monetary-based assistance and also invites them to become more productive citizens since they will be required to participate in capacity building.

“Dito sa Summit na ito, we celebrate collaboration, the synergy of our programs kasi alam naman natin, hindi kakayanin ng national government ang mga pagpapatakbo ng mga programang ito, kailangan namin ng mga ka-partners – the development partners, local government units, and the private sector,” Undersecretary Punay said, citing the objective of the humanitarian event. #

Tagalog Version

Disaster proof program ng DSWD mas palalakasin

Magsasagawa ng pagsusuri ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maghanap ng paraan para mas palakasin pa ang disaster-proofing ng mga programa ng ahensya para sa benepisyo ng mga kliyente nito.

Ayon kay DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay, isa sa mga layunin ng Humanitarian and Development Summit na ginanap nitong Myerkules (Sept 4), ay pagusapan ang mga paraan sa pagpapaigting sa samahan ng development partners nito upang makabuo ng komprehensibong pamamaraan sa programa.

“May instruction si Secretary Rex na yung ating mga programa ay disaster-proof. Ibig sabihin during the disaster setting, kailangan mabigyan ng extra na assistance yung ating mga beneficiaries ng programa natin. Isa yun sa pinag-aaralan natin sa Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP),” sabi ni Undersecretary Punay sa isang panayam sa DSWD-sponsored Summit sa Marco Polo Hotel, Pasig City.

Ayon pa sa DSWD undersecretary, kabilang sa pinag-usapan sa pagitan ng ahensya at ng international partners nito tulad ng World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) ang iba pang mga posibleng interbensyon na maaaring ibigay sa FSP beneficiaries na magbibigay daan sa pagkakaroon ng disaster-proof sa programa.

“Ano ba yung kailangan nating maibigay sa kanila. Kailangan ba mabigyan natin sila ng another extra grant for the month so isa yan sa mga pinag-aaralan natin sa pakikipagtulungan sa ating mga international partners,”paliwanag pa ni Undersecretary Punay.

Inihalimbawa dito ni Usec Punay ang mungkahi na dagdagan ang cash grants para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Katulad din sa 4Ps, napakarami ng benepisyaryo natin dyan, 4.4 million families na mahihirap so kapag sila’y nabaha, automatic yan, wash out ang mga gamit, kailangan ng pambili ng mga notebook ng mga bata so may additional cost na kakailanganin nila so iyon yung pinag-aaralan natin, magkano yung kailangan natin na idagdag doon sa benefits na nakukuha nila ngayon para maging disaster-proof ang ating mga programa,” sabi pa ni Undersecretary Punay.

Ang FSP, ay sinimulan noong July 2023, kung saan mayroon na ito ngayong mahigit sa 130,000 registered beneficiaries.

Halos 25,000 FSP grantees mula naman sa 23 lalawigan ang nagsimula ng mabigyan ng masustansyang pagkain sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na may lamang Php3000. Maaaring maipambili ang EBT cards sa mga partner retailers.

Layon ng FSP na makapagbigay ng tamang pamamaraan upang mabawasan o wakasan ang kagutuman sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga benepisyaryo nito ng access to monetary-based assistance. Inaanyayahan din ang mga ito na maging isang productive citizen dahil kailangan silang makisali sa capacity building.

“Dito sa Summit na ito, we celebrate collaboration, the synergy of our programs kasi alam naman natin, hindi kakayanin ng national government ang mga pagpapatakbo ng mga programang ito, kailangan namin ng mga ka-partners – the development partners, local government units, and the private sector,” sabi pa ni Undersecretary Punay. #