An official of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) reminded the household-beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) to use the grants for the intended purpose of supporting children’s education and health.

“I hope sa ating 4Ps beneficiaries, take care of the grants. ‘Yan ang lagi kong sinasabi, na gamitin sa tama dahil ito ay makatutulong para mas mapaganda pa ang buhay ninyo eventually kapag nakapag-aral na ang mga anak ninyo at kung sila ay malusog,” 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya said on Wednesday (September 18) during the second episode of 4Ps Fastbreak livestreamed over the DSWD’s Facebook page.

The 4Ps Fastbreak, the latest addition to the livestreamed programs of the DSWD’s Strategic Communications (StratComm) Group, aims to beef up public knowledge and awareness about the agency’s national poverty alleviation program. It is hosted by Ms. Venus Balito of the StratComm’s Digital Media Service (DMS).

Director Gabuya said the 4Ps provides conditional cash transfer to poor households to improve the health, nutrition, and education aspect of their lives.

“Para sa education—sa elementary students ay Php300 per bata monthly for ten months; pag high school naman ay Php500; at senior high school ay Php700,” the 4Ps director explained.

The 4Ps program also provides a monthly Php600 rice subsidy and Php750 health grants to each household beneficiary.

Director Gabuya emphasized that there is a maximum of three monitored children per household that will be covered by the 4Ps program.

Each 4Ps household is also entitled to automatic coverage under the National Health Insurance Program or PhilHealth.

They may also avail of the DSWD’s Sustainable Livelihood Program (SLP) or other similar programs offered by other government agencies or accredited private institutions, according to the 4Ps director.

The 4Ps is a national poverty reduction strategy institutionalized under Republic Act No. 11310 or “An Act Institutionalizing Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” signed on April 17, 2019. It puts a premium on giving indigent families the means to break-away from the intergenerational cycle of poverty through human capital investments.

To date, the program has close to 4.4 million household-beneficiaries nationwide.#

Tagalog Version

Gamitin ng tama ang 4Ps grants sa edukasyon, kalusugan – DSWD-4Ps NPM director

Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na gamitin ng tama at naaayon sa layunin nito ang natatanggap na cash grants.

“I hope sa ating 4Ps beneficiaries, take care of the grants. ‘Yan ang lagi kong sinasabi, na gamitin sa tama dahil ito ay makatutulong para mas mapaganda pa ang buhay ninyo eventually kapag nakapag-aral na ang mga anak ninyo at kung sila ay malusog,” sabi ni 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, sa second episode ng p 4Ps Fastbreak nitong Myerkules (September 18).

Ang 4Ps Fastbreak, ang pinakabagong programa ng DSWD Strategic Communications (StratComm) Group. Host ng programa ay si Ms Venus Balito ng Digital Media Service at ito ay mapapanood ng live sa DSWD FB page tuwing Myerkules. Layunin nitong magbigay ng impormasyon at kaalaman hinggil sa national poverty alleviation program ng ahensya.

Ayon kay Director Gabuya, ang 4Ps ay nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap na pamilya upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng kanilang mga anak.

“Para sa education—sa elementary students ay Php300 per bata monthly for ten months; pag high school naman ay Php500; at senior high school ay Php700,” paliwanag ng 4Ps director.

Nagbibigay din ang 4Ps program ng buwanang rice subsidy na Php600 at Php750 health grants sa bawat pamilyang benepisyaryo ng programa.

Nilinaw naman ni Director Gabuya na mayroon lamang tatlong monitored children per household ang maaaring masakop sa 4Ps program.

At bawat pamilya na myembro ng programa ay awtomatikong makakabilang sa National Health Insurance Program o PhilHealth.

Maaari din silang makapag-avail ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya o ng iba pa nitong programa pati na ng mga programang inaalok ng mga accredited private institutions.

Ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy ng gobyerno na naisabatas base sa Republic Act No. 11310 o “An Act Institutionalizing Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)” at nilagdaan noong April 17, 2019. Nagbibigay ito ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan upang makaagapay sa hirap ng buhay.

Sa kasalukuyan, ang 4Ps program ay mayroon ng halos 4.4 million household-beneficiaries nationwide.#