A senior official of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) reported on Thursday (September 26) that majority of the 32 children from the Children’s Joy Foundation, Inc. (CJFI), a care facility affiliated with the Kingdom of Jesus Christ (KOJ), are now in the residential care facilities of the Department while a number of them have been reintegrated to their respective families.
DSWD Assistant Secretary for Standards and Capacity Building Group (SCBG) Janet Armas said during the Thursday Media Forum that the CJFI has an expired Certificate of Registration and License to Operate (CRLTO) covering its five residential facilities in Regions 3 (Central Luzon), 4A (CALABARZON), 7 (Central Visayas), 11 (Davao Region), and the National Capital Region (NCR).
“Sa ngayon ay wala po silang registration and license. May five po kami na centers sa
Regions 3, 4A, 7, 11 and NCR… Nag-usap naman kami with the executive director at maganda ang naging result…Na-transfer po ang mga bata mula sa five centers. May na-reintegrate sa kanilang families,mayroon ding na-transfer sa ating mga licensed Social Welfare and Development Agencies (SWDAs), and sa centers ng DSWD,” Asst. Secretary Armas told reporters at the DSWD Central Office’s New Press Center in Quezon City
Of the 32 children from CJHI, the SCBG official said 13 are currently staying at the residential care facilities of the DSWD and SWDAs, while 14 have been reintegrated to their families.
The remaining five children are either in foster care or currently being prepared to have an independent living, according to Asst. Secretary Armas.
Asst. Secretary Armas recalled that in one of the Senate hearings, the senators instructed the
DSWD to check all the SWDAs related to the KOJC to ensure the welfare of the children in the centers.
“Noong nagkaroon ng Senate hearing, ang naging instruction ay for the DSWD to check
kung mayroon bang SWDAs na related sa Kingdom of Jesus Christ. Mayroon kaming nakita, ito yung CJFI at mayroon tayong five centers na nasa Pampanga, Laguna, Davao, Cebu, and Quezon City,” Asst. Secretary Armas pointed out.
According to the SCBG asst. secretary, the CJFI did not meet the requirements set by the DSWD for the renewal of their CRLTO.
The DSWD also informed the CJFI that its application was held in abeyance until such time that it can prove its financial capacity to sustain its operations.
“Nakipag-usap kami sa executive director and nagkaroon ng agreement na hindi mare-renew ng DSWD ang license dahil doon sa freeze order. Ni-request naming na we will only renew them kung sila sa financial capacity kasi part yun sa tinitignan kapag nagli-lisensya ang DSWD,” the DSWD official told the members of the media.
Asst. Secretary Armas assured reporters that based on the monitoring conducted, there were
no signs of abuses in the five centers registered with the DSWD.
“Matagal na silang mayroong lisensya sa DSWD and based doon sa monitoring and even doon sa immediate na request ng Senate na puntahan lang ang mga centers na ito ay wala namang nakita na abuses sa five centers na registered under DSWD, “ the DSWD official said.
Updates on children from Gentle Hands
In the same media forum, Asst. Secretary Armas gave an update on the status of children from the Gentle Hands Inc. (GHI) that were transferred to the DSWD residential care facilities.
“Yung nasa NCR at nasa Bulacan ay pareho na pong sarado ang dalawang centers and na-transfer sa ating mga centers ang mga bata at mayroon na rin na-reintegrate sa kanilang mga magulang. Anim doon sa 32 dito sa Bulacan ang na-reintegrate sa families, at yung 29 naman ay ongoing ang processing ng documents for reintegration and adoption,” Asst. Secretary Armas said.
The GHI faced issues and violations including faulty fire exits and excess in the allowable number of floors or storeys of their building, which led to the issuance of Cease-and-Desist Orders (CDOs) from the DSWD against the privately-run child caring facility. #
Tagalog Version
Mga bata sa 5 KOJC-affiliated care facilities, nasa kustodiya na ng DSWD
May 32 kabataan mula sa isang care facility na may koneksyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ginanap na Media Forum sa New Press Center ng DSWD nitong Huwebes (September 26) sinabi ni Assistant Secretary for Standards and Capacity Building Group (SCBG) Janet Armas na halos 32 kabataan na kinakalinga ng Children’s Joy Foundation, Inc. (CJFI) ang ngayon ay nasa kustodiya na ng DSWD habang ang ilan naman sa mga ito ay naibalik na sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Janet Armas, expired na ang Certificate of Registration and License to Operate (CRLTO) ng CJFI na may limang residential facilities sa Regions 3 (Central Luzon), 4A (CALABARZON), 7 (Central Visayas), 11 (Davao Region), at National Capital Region (NCR).
“Sa ngayon ay wala po silang registration and license. May five po kami na centers sa Regions 3, 4A, 7, 11 and NCR… Nag-usap naman kami with the executive director at maganda ang naging result…Na-transfer po ang mga bata mula sa five centers. May na-reintegrate sa kanilang families,mayroon ding na-transfer sa ating mga licensed Social Welfare and Development Agencies (SWDAs), and sa centers ng DSWD,” sabi ni Asst. Secretary Armas.
Ayon kay Asst Secretary Armas, labingtatlo mula sa 32 na bata ay tumutuloy sa residential care facilities ng ahensya at SWDAs, habang ang 14 pa sa mga ito ay pawang nakabalik na sa kanilang pamilya. Lima naman ang nasa foster care at inihahanda na sa pagkakaroon ng independent living.
Sinabi din ni Asst. Secretary Armas, sa mga nagdaang pagdinig sa senado, nagbigay ng instruction ang mga senador sa DSWD na tignan ang mga SWDAs na may koneksyon sa KOJC upang matiyak ang kapakanan ng mga bata na nasa pasilidad.
“Noong nagkaroon ng Senate hearing, ang naging instruction ay for the DSWD to check kung mayroon bang SWDAs na related sa Kingdom of Jesus Christ. Mayroon kaming nakita, ito yung CJFI at mayroon tayong five centers na nasa Pampanga, Laguna, Davao, Cebu, and Quezon City,” sabi pa ng opisyal.
Dagdag pa niya, hindi na rin natugunan ng CJFI ang mga kailangang requirements para makapag-renew ng kanilang CRLTO.
“Nakipag-usap kami sa executive director and nagkaroon ng agreement na hindi mare-renew ng DSWD ang license dahil doon sa freeze order. Ni-request naming na we will only renew them kung sila sa financial capacity kasi part yun sa tinitignan kapag nagli-lisensya ang DSWD,” sabi ni Asst Secretary Armas.
Dagdag pa nito, “Matagal na silang mayroong lisensya sa DSWD and based doon sa monitoring and even doon sa immediate na request ng Senate na puntahan lang ang mga centers na ito ay wala namang nakita na abuses sa five centers na registered under DSWD.
Samantala, nagbigay din ang opisyal ng update kaugnay naman ng mga bata na nagmula sa Gentle Hands Inc. (GHI) na nasa kustodiya ng DSWD residential care facilities.
“Yung nasa NCR at nasa Bulacan ay pareho na pong sarado ang dalawang centers and na-transfer sa ating mga centers ang mga bata at mayroon na rin na-reintegrate sa kanilang mga magulang. Anim doon sa 32 dito sa Bulacan ang na-reintegrate sa families, at yung 29 naman ay ongoing ang processing ng documents for reintegration and adoption,” sabi ni Asst. Secretary Armas.
Matatandaan na ipinasara ng DSWD ang GHI sa pamamagitan ng cease and desist order (CDO) matapos na ma-revoke ng Bureau of Fire Protection ang fire safety inspection certificate (FSIC) nito bukod pa sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination. #