Officials of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) assisted President Ferdinand R. Marcos, Jr. and First Lady Louise Araneta-Marcos in handing out government aid during the Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for ALL) caravan on Thursday (October 3) at the Rizal High School Gymnasium in Pasig City.

The LAB FOR ALL is an aid-giving initiative of First Lady Araneta-Marcos to bring the programs of the government closer to the people.  Free health and medical services were given out to the beneficiaries who were at the venue.

“Sinisiguro namin na marami pang mga komunidad sa bawat siyudad at probinsya ang mabibisita ng LAB for ALL. Kung saan mayroong Pilipinong nangangailangan, pagsusumikapan natin, ng inyong pamahalaan na maaabutan ng serbisyo,” President Marcos said in his speech.

The DSWD’s Field Office in the National Capital Region (NCR) provided Php2,000 in financial aid, under the  Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, to each of the 1,717 beneficiaries who joined the LAB FOR ALL caravan.

Aside from cash assistance, each beneficiary also received family food packs (FFPs).

The DSWD officials present in the activity were Undersecretary for Operations Group Monina Josefina Romualdez, Asst. Secretary for Regional Operations Paul Ledesma, and DSWD-NCR Regional Director Michael Joseph Lorico.

Other government officials present in the LAB for ALL event were Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa; Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos; Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera; Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta; and Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles.

Pasig City local officials present include Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, and Congressman Roman Romulo. #

Tagalog Version

DSWD namahagi ng cash aid, food packs sa ‘LAB for ALL’ sa Pasig City

Inasistehan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa pamamahagi ng government aid sa ginanap na Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for ALL) caravan nitong Huwebes (October 3) sa Rizal High School Gymnasium, Pasig City.

Ang LAB FOR ALL ay isang aid-giving initiative ni First Lady Araneta-Marcos upang ilapit sa mga mamamayan ang tulong ng gobyerno. Libreng health at medical services ang ibinibigay sa mga benepisyaryo na nagtutungo sa mga lugar kung saan naroon ang caravan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos Jr, “Sinisiguro namin na marami pang mga komunidad sa bawat siyudad at probinsya ang mabibisita ng LAB for ALL. Kung saan mayroong Pilipinong nangangailangan, pagsusumikapan natin, ng inyong pamahalaan na maaabutan ng serbisyo.”

Namahagi ang DSWD Field Office National Capital Region (NCR) ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Nakatanggap ng Php2,000 bawat isa ang may 1,717 beneficiaries na nagtungo sa LAB FOR ALL caravan.

Bukod sa cash assistance, nabahaginan din ng family food packs (FFPs) ang mga beneficiaries.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing activity ay sina DSWD Undersecretary for Operations Group Monina Josefina Romualdez, Asst. Secretary for Regional Operations Paul Ledesma, at DSWD-NCR Regional Director Michael Joseph Lorico.

Dumating din sa LAB for ALL event sina Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa; Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos; Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera; Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta; at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles.

Kasama din sa mga dumalo sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, at Congressman Roman Romulo. #