The Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) promotes health-seeking behaviors among pregnant mothers through the First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant.

“When it comes to 4Ps, it’s really conditional. Lahat ng grants ay may kaakibat na conditions because we want also to reinforce yung behavioral change ng ating mga beneficiaries,” 4Ps National Program Manager, Director Gemma Gabuya, said during the 10th episode of the “4Ps Fastbreak” on Wednesday (November 20).

Director Gabuya said the F1KD conditional cash grant provides additional financial support under the 4Ps to assist households during the critical first 1,000 days of child development. The F1KD is expected to be implemented in 2025.

According to Director Gabuya, the conditions for the F1KD grant will adhere to the provisions outlined in Republic Act No. 11148, known as the Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, as well as other health protocols established by the Department of Health (DOH).

The requirements include accessing pre-natal services at DOH-accredited health facilities, tracking pregnancy and receiving ante-natal care services, attending post-natal visits, participating in counseling sessions, and obtaining micronutrient supplements and immunizations, among other services.

“Pinahahalagahan talaga natin yung nutrisyon ng ating mga bata na nag-uumpisa habang ipinagbubuntis kasi naniniwala tayo na kung ang bata ay healthy, tuloy tuloy ang kanyang pag-aaral, madali syang makaintindi at iyon naman talaga ang gusto natin sa ating mga 4Ps beneficiaries,” Director Gabuya emphasized.

Launched in 2008 and institutionalized in 2019 through Republic Act No. 11310, the 4Ps Act provides cash grants to more than 4 million households whose children are given subsidies to finish elementary and senior high school and supported with health and nutrition grants.

The “4Ps Fastbreak” is hosted by Information Officer Venus Balito from the Digital Media Service (DMS) of the Strategic Communications Group and airs every Wednesday at 11 am on the DSWD’s Facebook platform. (AKDL)

 

Tagalog Version

F1KD grant ng 4Ps, malaking tulong sa mga buntis

Malaking tulong para sa mga buntis at nagpapasusong ina ang dagdag na conditional grants sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ginanap na ika-10 episode ng “4Ps Fastbreak” nitong Miyerkules (November 20) , sinabi ni 4Ps National program manager, Director Gemma Gabuya, ang First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant ay ibinibigay sa mga buntis sa panahon ng kanilang pagdadalangtao hanggang mag-edad sa dalawang taon ang isinilang na sanggol.

Ang F1KD ay inaasahang sisimulan sa susunod na taon o sa 2025.

“When it comes to 4Ps, it’s really conditional. Lahat ng grants ay may kaakibat na conditions because we want also to reinforce yung behavioral change ng ating mga beneficiaries,” sabi ni 4Ps National Program Manager, Director Gemma Gabuya.

Sabi ni Director Gabuya, ang mga kondisyon sa F1KD grant ay nakapaloob sa probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11148, o mas kilala sa tawag na Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, gayundin ng iba pang health protocols na ibinigay ng Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga requirements ay ang pre-natal services sa mga DOH-accredited health facilities, tracking pregnancy, receiving ante-natal care services, pagdalo sa mga post-natal visits o pagpa-checkup matapos ang panganganak, pagdalo sa counseling sessions, at pagsunod sa paginom ng micronutrient supplements at pagbabakuna.

“Pinahahalagahan talaga natin yung nutrisyon ng ating mga bata na nag-uumpisa habang ipinagbubuntis kasi naniniwala tayo na kung ang bata ay healthy, tuloy tuloy ang kanyang pag-aaral, madali syang makaintindi at iyon naman talaga ang gusto natin sa ating mga 4Ps beneficiaries,” paliwanag pa ni Director Gabuya.
Sinimulan ng 2008 at naisabatas batay sa Republic Act No. 11310 ng 2019, ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy and human capital investment program na nagbibigay ng conditional cash transter sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng pitong taon upang mapabuti ang kalusugan, nutrition at edukasyon ng mga bata.

Ang 4Ps Fastbreak’ay napapanood tuwing Miyerkules ng 11:00 ng umaga sa DSWD facebook.# (MVC)