The Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) continues to serve as a bridge that connects its beneficiaries to appropriate government offices, a program official said on Wednesday (January 8).

“Yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program hindi lang nagbibigay ng grants but nag-bibridge din tayo. Itinuturo natin doon sa mga beneficiaries natin saan dapat na ahensyang pumunta o lumapit para sa kanilang mga specific needs,” 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce explained during the 15th episode of the DSWD’s online program “4Ps Fastbreak”.

DC Ponce pointed out that the 4Ps has existing partnerships with other government agencies to help beneficiaries to access other programs such as housing, scholarships for higher education, and livelihood.

“Yung pagre-refer naman natin sa iba’t ibang ahensya ay naka-base pa rin yan doon sa kung ano yung pangangailangan ng family. Pag sinabi nilang ito yung mga intervention na kailangan namin base sa case management na gagawin ni social case worker natin, doon na tayo hahanap ng akmang ahensya o opisina,” DC Ponce explained.

Aside from the government, the 4Ps division chief also said there are private partners and development institutions helping the DSWD to ensure that 4Ps members will continue advancing their level of well-being after graduating from the program through the Pugay Tagumpay Ceremony, voluntary exit, or natural attrition.

“Gusto natin pagkatapos nila sa 4Ps ay may maayos silang pamumuhay at masu-sustain nila ang pamumuhay na ito kahit mawala sa programa kasi may ibang sasalo sa kanila,” DC Ponce said.

Launched in 2008 and institutionalized by Republic Act (RA) 11310 in 2019, the 4Ps is the national poverty reduction strategy and human capital investment program that provides conditional cash transfer to poor households for a maximum period of seven years to improve their children’s health, nutrition and education.

The ‘4Ps Fastbreak’ is hosted by Information Officer Venus Balito of the Strategic Communication Group’s Digital Media Service (DMS) and is aired every Wednesday, 11 am, using the DSWD’s Facebook platform. (AKDL)

 

Tagalog Version

4Ps ng DSWD, nagsisilbing tulay ng mga benepisyaryo sa ibang programa ng gobyerno

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na hindi lamang pinansyal na tulong ang hatid ng ahensya sa mga benepisyaryo nito kundi ito rin ay nagsisilbing tulay para sa iba pang tulong na maaaring ibigay ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sa ginanap na ika-15th episode ng DSWD’s online program na “4Ps Fastbreak” sinabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce, “Yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program hindi lang nagbibigay ng grants but nag-bibridge din tayo. Itinuturo natin doon sa mga beneficiaries natin saan dapat na ahensyang pumunta o lumapit para sa kanilang mga specific needs.”

Ang 4Ps Fastbreak ay mapapanood via online sa DSWD FB page tuwing Miyerkules .

Ayon kay DC Ponce may existing partnerships ang 4Ps sa iba pang government agencies upang tumulong sa mga benepisyaryo nito na magkaroon ng access sa iba pang programa ng gobyerno tulad ng housing, scholarships for higher education, at livelihood.

“Yung pagre-refer naman natin sa iba’t ibang ahensya ay naka-base pa rin yan doon sa kung ano yung pangangailangan ng family. Pag sinabi nilang ito yung mga intervention na kailangan namin base sa case management na gagawin ni social case worker natin, doon na tayo hahanap ng akmang ahensya o opisina,” paliwanag ni DC Ponce.

Bukod dito, mayroon din aniyang mga private partners at development institutions na tumutulong sa ahensya upang matiyak na mabibigyan ng tulong ang mga benepisyaryo depende sa kanilang mga pangangailangan pag-exit nila sa programa.

“Gusto natin pagkatapos nila sa 4Ps ay may maayos silang pamumuhay at masu-sustain nila ang pamumuhay na ito kahit mawala sa programa kasi may ibang sasalo sa kanila,” sabi pa ni DC Ponce.

Ang 4Ps, ay inilunsad noong 2008 at naisabatas ng taong 2019 batay sa Republic Act No. 11310 o 4Ps Act, na nagbibigay ng cash grants sa mahigit sa 4 million households at nagbibigay ng subsidy sa mga anak upang makapagtapos ng elementary at senior high school. Nagbibigay din ang programa ng health at nutrition grants.# (MVC)