On instructions of Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, the agency has provided initial aid to the family of the college student who was seen being manhandled by a security guard in a video that has since gone viral in social media.
Assistant Secretary Irene Dumlao, who is also the agency spokesperson, personally handed over Php20,000 to Nanay Judith, the mother of the viral sampaguita girl named Jeny, 22, who was at the school during the house visit of DSWD social workers.
“Nanay, ito pong ipinaabot namin sa iyo ay initial pa lamang. Sabi po ng case manager natin, babalik sya at mag-iinterview sya para humingi ng additional information kasi gusto rin po namin kayong matulungan,” Asst. Secretary Dumlao said as she handed over the cash assistance during the case management interview with the family on Friday (January 17).
According to Asst. Secretary Dumlao, the DSWD social workers will further assess the situation of the family to determine what other interventions may be provided, such as the Sustainable Livelihood Program (SLP).
“Gusto po namin kayong matulungan, baka pwede kayo sa SLP namin para mapalago pa natin ang inyong sampaguita ,” the DSWD spokesperson said.
During the interview conducted by the agency social worker, Nanay Judith said their household was a former Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary but has graduated from the program since the youngest child is already 19 years old.
Nanay Judith said Jeny is currently a first year student taking up Bachelor of Science in Medical Technology.
Nanay Judith told social workers Jeny is striving to finish her studies, the reason why the college student sells sampaguita after her classes.
“Kaya sila nagsusumikap na magtinda, doon sila kumukuha ng baon at pamasahe. Tapos ang iba ay itatabi nila para pagdating ng babayarin ay mayroon silang pagkukunan,” Nanay Judith said.
Nanay Judith also said she makes the sampaguita herself and her children and husband, Tatay Joel, are the ones selling the product.
The mother of the college student said the viral video happened last December 2024, before Christmas.
The parents of Jeny also confirmed that they will not file charges against the security guard.
“On the part of the DSWD, lagi po nating sinasabi na hindi po natin tino-tolerate ang gender-based violence. Dapat ay there is a collective effort on the part of the private and public sectors na protektahan at pangalagaan ang karapatan ang well-being ng bawat isa,” Asst. Secretary Dumalo said. (YADP)
Tagalog Version
DSWD nagpaabot ng tulong sa pamilya ng sampaguita vendor na nasa viral video
Nagbigay ng inisyal na tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng sampaguita vendor na nasa viral video na sinasaktan ng security guard ng isang mall sa Quezon City.
Ang tulong ay base na rin sa direktiba ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, na bigyan ng kaukulang tulong mula sa ahensya ang pamilya ng college student na si Jeny 22 taong gulang at sampaguita vendor. Si Jeny ang nasa viral video na sinaktan ng security guard.
Personal na iniabot ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ang halagang Php20,000 kay Nanay Judith, ina ng viral sampaguita girl na si Jeny, 22.
Napagalaman na si Jeny ay kasalukuyang nasa eskuwelahan ng bumisita ang mga DSWD social workers sa tahanan nito.
“Nanay, ito pong ipinaabot namin sa iyo ay initial pa lamang. Sabi po ng case manager natin, babalik sya at mag-iinterview sya para humingi ng additional information kasi gusto rin po namin kayong matulungan,” sabi ni Asst. Secretary Dumlao, habang iniaabot kay Nanay Jeny ang cash assistance, kasabay ng case management interview nitong Biyernes (January 17).
Sabi ni Asst. Secretary Dumlao, magsasagawa pa ng kaukulang assessment ang mga social workers sa kalagayan ng pamumuhay ng pamilya upang dito i-assess kung ano pang tulong ang maaari pang ibigay ng ahensya tulad ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
“Gusto po namin kayong matulungan, baka pwede kayo sa SLP namin para mapalago pa natin ang inyong sampaguita ,” sabi ng DSWD spokesperson.
Sa isinagawang interview ng mga social workers sa pamilya, sinabi ni Nanay Judith na ang kanilang pamilya ay dating Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary, subalit naka-graduate na sa nasabing programa ng umabot na sa edad na 19 ang kanyang bunsong anak.
Sinabi ni Nanay Judith na si Jeny ay kasalukuyang naga-aral bilang first year student na may kursong Bachelor of Science in Medical Technology.
“Kaya sila nagsusumikap na magtinda, doon sila kumukuha ng baon at pamasahe. Tapos ang iba ay itatabi nila para pagdating ng bayarin ay mayroon silang pagkukunan,” ani Nanay Judith.
Dagdag pa ni Nanay Judith na siya mismo ang gumagawa ng sampaguita na inilalako naman ng kanyang mga anak at asawang si Tatay Joel.
Ang viral video umano ay nangyari nitong December 2024, bago mag pasko.
Kinumpirma din ng magulang ni Jeny na wala silang balak na magsampa ng reklamo laban sa security guard na nanakit kay Jeny.
Samantala, sinabi ni Asst Secretary Dumlao, “On the part of the DSWD, lagi po nating sinasabi na hindi po natin tino-tolerate ang gender-based violence. Dapat ay there is a collective effort on the part of the private and public sectors na protektahan at pangalagaan ang karapatan ang well-being ng bawat isa.” (MVC)