Travel Clearance for Minors Travelling Abroad
Please read all of the requirements prior to your application (Basahing mabuti bago mag fill-up ng application form
- Applicant must register by clicking the “If you do not have an account, kindly register here” tab, follow the instructions. (Magregistro muna sa pamamagitan ng pag pindot ng “If you do not have an account, kindly register here” tab, sundin ang mga kailangan.)
- If applicant has successfully registered, login and go to Minor Travelling Abroad application form. (Kapag nakapag registro na ang aplikante, mag-login muna at pumunta sa Minors Travelling Abroad Application Form.)
- Review the documents required before proceeding. (Suriing mabuti ang mga dokumentong kinakailangan bago magpatuloy.)
- Fill up all required fields in the MTA form. (Sagutan ang lahat ng kailangan sa MTA form.)
- Upload scanned copies of required documents. (Mag-upload ng mga na-scan na kopya ng mga kinakailangang dokumento.)
- Check submitted application. (Suriin ang pinunang aplikasyon.)
- Applicant will receive notification of the successful application via email. (Makakatanggap ng email ang aplikante na matagumpay na aplikayson para sa MTA.)
- MTA Regional User will assess the submitted online application. (Susuriin ng Regional User ang naisumiteng aplikasyon.)
- Applicant receives notification of initial assessment. (Tatanggap ang aplikante ng abiso ng paunang pagsusuri.)
- Applicant receives notification of interview schedule via email. (Makakatanggap ang aplikante ng abiso ng iskedyul ng panayam sa pamamagitan ng email.)
- Applicant will proceed to DSWD FO on the schedule of interview with the original copies of required and supporting documents. (Magpunta sa DSWD FO sa iskedyul ng pakikipanayam dala ang orihinal na mga kopya ng mga kinakailangang dokumento.)
- MTA Regional User will encode interview result. If approved, prints payment stub. (I-encode ng MTA Regional User ang resulta ng pakikipanayam. Kung aprubado, iprint ang stub ng pagbabayad.)
- Applicant will pay MTA application fee at DSWD FO Cash Division/Unit. (Ang aplikante ay magbabayad para sa aplikasyon ng MTA sa DSWD FO Cash Division / Unit.)
- Applicant must present the Official Receipt to the MTA Regional User. (Ipapakita ng aplikante sa MTA Regional User ang Opisyal na Resibo.)
- MTA Regional User to encode payment details and print MTA Certificate. (I-encode ng MTA Regional User ang mga detalye ng pagbabayad at i-print ang MTA Certificate.)
- Applicant will receive the Certificate of Travel Clearance. (Matatanggap na ng aplikante ang Certificate of Travel Clearance.)
- Only Field Offices NCR, VII and XI accept online application for Travel Clearance during the pilot testing period. The public will be informed once the online application will be accepted in all DSWD Field Offices. (Tanging ang Field Office NCR, VII at XI ang tatanggap ng online na aplikasyon para sa Travel Clearance habang nasa pilot testing period pa lamang ito. Ipapaalam sa publiko kapag ang online na aplikasyon ay tatanggapin na sa lahat ng field offices ng DSWD.)
- Your application will only be processed during office hours, Monday to Friday, 8:00am – 5:00pm. (Ang inyong aplikasyon ay ipoproseso lamang mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga – 5:00 ng hapon.)
- No online application will be processed and/or accepted if travel is within 24 hours. (Walang online na aplikasyon ang mapoproseso at / o tatanggapin kung ito ay kailangan nang gamitin sa loob ng 24 na oras.)
The DSWD shall collect a processing fee for each travel clearance issued to minors travelling abroad under the following options: (Ang DSWD ay mangongolekta ng bayad sa pagpoproseso para sa bawat travel clearance na ibinigay sa mga menor de edad na maglalakbay sa ibang bansa sa ilalim ng mga sumusunod na pagpipilian:)
- Php 300.00 with validity of one (1) year. (Php 300.00 na may bisa ng isang (1) taon.)
The requirements needed to obtain a travel clearance for minors traveling abroad during interview are: (Ang mga kinakailangan upang makakuha ng isang travel clearance para sa mga menor de edad na maglalakbay sa ibang bansa sa panahon ng panayam ay:)
- Duly accomplished online application form; (Wasto at tapos na online application form)
- Uploaded scanned copy of required documents of minor: (Kopya ng mga na-upload at nai-scan na kinakailangang dokumento ng menor de edad:)
- Birth Certificate on security paper (SECPA) from Philippine Statistics Authority (PSA)
- Notarized (at the place of residence) affidavit or written consent of both parents/solo parent/legal guardian, permitting the minor to travel to a foreign country and/or authorizing a particular person, with valid identification card with specimen signature, to accompany the child. (Notarized (sa lugar ng paninirahan) affidavit o written consent ng parehong mga magulang / solong magulang / legal na tagapag-alaga, na nagpapahintulot sa menor de edad na maglakbay sa ibang bansa at / o pinapahintulutan ang isang partikular na tao na may wastong identification card na may pirma, na samahan ang bata.)
- Two (2) original colored passport size photos (white, red or blue background) of the minor taken within the last six (6) months from the time of application. (Dalawang (2) original colored passport size photos (puti, pula o asul na background) ng menor de edad na kinuha sa loob ng huling anim (6) na buwan mula sa oras ng aplikasyon.)
Other Required Documents for Parents/Legal Guardian/Solo Parents/ Foster Care (Iba pang mga Dokumento na Kinakailangan Para sa Mga Magulang / Legal na Tagapangalaga / Mga Solo Parent/ Foster Parent): Requirements for minors travelling alone and/or with a person other than parents/legal guardian to a foreign country: (Mga kinakailangan ng menor de edad na maglalakbay mag-isa at / o may ibang kasama maliban sa mga magulang / legal na tagapag-alaga sa ibang bansa:)
- Affidavit of Support and certified copy of any evidence to show financial capability of sponsor (parents/legal guardian or other person/agency shouldering the expenses) such as: Certificate of Employment, Latest Income Tax Return, Bank Statement, etc. (new) (Affidavit of Support at Kopya ng Certificate ng anumang katibayan upang ipakita ang financial na kakayahan ng sponsor (mga magulang / legal na tagapag-alaga o iba pang tao / ahensiya na dapat magbayad ng mga gastusin) na matustusan ang anumang kakailanganin ng menor de edad: Certificate of Employment, Pinakabagong Income Tax Return, Bank Statement, atbp.)
- Original copy of the previous Travel Clearance issued; (renewal)
- Copy of the passport of the travelling companion (Kopya ng pasaporte ng kasama na naglalakbay)
- Unaccompanied Minor Certificate from the Airlines (Unaccompanied Minor Certificate mula sa Airlines)
- Waiver from the parents releasing DSWD from any liability/responsibility in case of untoward incident during the travel of the child. (Waiver mula sa mga magulang na walang pananagutan ang DSWD mula sa anumang responsibilidad kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari habang naglalakbay ang bata.)
Requirements for minors under the care of Parents/Legal Guardians/Solo Parents (Mga kinakailangan ng menor de edad sa ilalim ng pangangalaga ng mga magulang / Legal na Tagapag-alaga / Mga Solo na Magulang)
- Copy of the marriage certificate (SECPA) from the Philippine Statistics Authority (PSA)
- Certified true copy of Court Order on Legal Guardianship (Certified true copy ng Court Order sa legal na pangangalaga)
- Solo parent identification card from the LSWDO or a certification of being a solo parent, court decree of separation, annulment or divorce (Solo parent identification card mula sa LSWDO o isang Certificate ng pagiging solo parent, pasiya ng paghihiwalay mula sa hukuman, pagpapawalang bisa o diborsyo ng kasal)
- Certificate of no marriage (CENOMAR) from the Philippine Statistics Authority (PSA) (for illegitimate minor) (Certificate of no marriage (CENOMAR) mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) (para sa hindi lehitimong menor de edad))
- Tallaq or Fasakh certification from the Shariah Court or any Muslim barangay or religious leader (Certificate ng Tallaq o Fasakh mula sa Shariah Court o anumang barangay ng Muslim o pinuno ng relihiyon.)
Additional requirements for Seafarer Parents (Karagdagang mga kinakailangan para sa mga Seafarer Parents)
- Certification from the manning agency attesting to the parent’s employment (Sertipikasyon mula sa ahensiyang pinapasukan ng mga magulang)
- Copy of the Seaman’s Book (Kopya ng Seaman’s Book)
Additional requirement for Deceased Parents (Karagdagang mga kinakailangan para sa mga Pumanaw na Magulang)
- Copy of the death certificate (Kopya ng death certificate)
Additional requirements for Missing Parents (Karagdagang mga kinakailangan para sa mga Nawawalalng Magulang)
- Social Case Study Report executed by a licensed social worker of the local government unit (Social Case Study Report na isinagawa ng isang lisensiyadong manggagawang panlipunan ng local na yunit ng pamahalaan.)
- Blotter report from either the local police or barangay certification from the locality or the last known address of the alleged missing; and (Blotter report mula sa alinmang lokal na pulisya o Certificate ng barangay mula sa lokalidad o huling nailagay na address ng diumano’y nawawala; at)
- One (1) returned registered mail to the last known address of the alleged missing parent(s) or known relative(s). (Isang (1) returned registered mail mula sa huling tirahan ng nawawalang magulang o kamag-anak.)
Requirements for minors under the Foster Care Program (Mga kinakailangan para sa mga menor de edad na nasa ilalim ng pangangalaga ng Foster Care)
- Notarized affidavit of undertaking by the Foster Parents indicating purpose of travel, destination, duration of travel and a provision stating the commitment of the Foster Parent on their personal appearance , with the child, to the Regional Director or his/her duly authorized representative, within 5 days upon return to the country; (Notarized affidavit of undertaking ng Foster Parents na nagpapahiwatig ng layunin ng paglalakbay, patutunguhan, tagal at isang probisyon na nagsasaad ng komitment ng Foster Parent sa personal na pagpunta nila at ng bata sa Regional Director o ng kanyang awtorisadong kinatawan, sa loob ng 5 araw sa pagbalik sa bansa;)
- Notarized Affidavit of Consent from the Regional Director or authorized representative (Notarized Affidavit of Consent mula sa Regional Director o awtorisadong kinatawan.)
- Photocopy of Foster Placement Authority; (original copy to be attached for verification)
- Photocopy of Foster Care License of the family; (original copy to be attached for verification)
- DSWD Certification of Child legally available for adoption (CDCLAA)
- Signed Invitation from the Sponsoring agency/organization abroad with itinerary of travel and list of participants and duration of the activity/travel (Signed Invitation mula sa Sponsoring Agency/ organisasyon sa ibang bansa, na may itineraryo ng paglalakbay at listahan ng mga kalahok at tagal ng aktibidad / paglalakbay)
For Medical Purposes (Para sa mga Medikal na Layunin)
- Medical Abstract of the minor (Medikal Abstract ng menor de edad)
- Recommendation from the attending physician that such medical procedure is not available in the country (Rekomendasyon mula sa attending physician na hindi available ang medical na procedure sa bansa)
- Letter from the sponsor of medical expenses (Sulat mula sa sasagot ng gastusing medikal)
For Inter-Country Adoption (Para sa Inter-Country Adoption)
- Placement Authority issued by the ICAB (Placement Authority na ibinigay ng ICAB)
- Authority to Escort issued by the ICAB (Authority to Escort na ibinigay ng ICAB)
The application for travel clearance, together with the required supporting documents, shall be submitted by the parent/s or legal guardian or a duly authorized representative to the nearest DSWD regional office. (Ang aplikasyon para sa travel clearance, kasama ng kinakailangang supporting documents, ay isusumite ng magulang / o legal na tagapag-alaga o isang kinatawan, sa pinakamalapit na tanggapan ng rehiyon ng DSWD.)