The Department of Social Welfare and Development (DSWD) is expecting some 500,000 household-beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) to graduate from the program by the end of 2024.

“We are expecting na bago matapos yung taon ay mayroon tayong napa-graduate na mga 500,000 households mula sa 4Ps. Sila po yung tinatawag natin na mga nakatawid na at inaasahan natin na sila yung makasasama natin sa pagputol sa walang katapusang siklo ng kahirapan,” 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce said during the 8th episode of the ‘4Ps Fastbreak’ on Wednesday (October 30).

These households who will graduate from 4Ps were assessed to have achieved self-sufficiency, according to SMD Chief Ponce.

“Ibig sabihin, kaya na nila tugunan lahat ng kanilang mga pangangailangan, magkaroon man ng krisis ay mayroon silang mapagkukunan, at hindi na sila mahihirapan na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa pag-aaral at maging sa kalusugan,” the 4Ps division chief pointed out.

The SMD chief also explained that according to Republic Act (RA) 11310 or the 4Ps Act, the program will provide conditional cash transfer to poor households for a maximum period of seven years.

“Nais ko lang bigyan ng emphasis na yung pitong taon na yun, sakop sila ng case management process. Mayroong inihahanda na plano para sa mga pamilya mula sa kanilang pagpasok at syempre hanggang doon sa kanilang paglabas na hindi masasayang yung pitong taon na ii-invest ng ating pamahalaan, ng ating partners, at mayroon mapupuntahan itong mga pamilya na ito—mababago, maaayos, at mapapaunlad natin ang kanilang
pamumuhay,” SMD Chief Ponce explained.

Apart from reaching the seven-year limit and the self-sufficiency level, Rule XV Section 35 of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of the 4Ps Law also states that the reasons for beneficiaries to exit from the program include: the last child being monitored in the household reaching the age of 18 or completing high school; voluntary withdrawal from the program; and violation or offense in the program resulting in appropriate penalties or removal from the program.

Launched in 2008 and institutionalized by RA 11310 in 2019, the 4Ps is the national poverty reduction strategy and human capital investment program that provides conditional cash transfer to poor households for a maximum period of seven years to improve their children’s health, nutrition and education.

The ‘4Ps Fastbreak’ is hosted by Ms. Venus Balito of the Strategic Communication Group’s Digital Media Service (DMS) and is aired every Wednesday, 11 am, using the DSWD’s Facebook platform.

 

Tagalog Version

500K 4Ps beneficiaries, inaasahang graduate na sa programa bago matapos ang 2024

Halos 500,000 household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang inaasahang graduate na sa programa bago matapos ang 2024.

Ito ang inihayag ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce sa ginanap na ika-walong episode ng 4Ps Fastbreak’ na napapanood tuwing Miyerkules ng 11:00 ng umaga sa DSWD facebook.

“We are expecting na bago matapos yung taon ay mayroon tayong napa-graduate na mga 500,000 households mula sa 4Ps. Sila po yung tinatawag natin na mga nakatawid na at inaasahan natin na sila yung makasasama natin sa pagputol sa walang katapusang siklo ng kahirapan,” sabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce.

Ang mga nasabing household beneficiaries na nakatakdang mag-exit sa programa ay nakitaan ng pagiging self-sufficient base sa assessment na isinagawa.

“Ibig sabihin, kaya na nila tugunan lahat ng kanilang mga pangangailangan, magkaroon man ng krisis ay mayroon silang mapagkukunan, at hindi na sila mahihirapan na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa pag-aaral at maging sa kalusugan,” sabi pa ng 4Ps division chief.

Ipinaliwanag ng SMD chief na batay sa Republic Act (RA) 11310 o 4Ps Act, ang programa ay nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap sa loob ng pitong taon.

“Nais ko lang bigyan ng emphasis na yung pitong taon na yun, sakop sila ng case management process. Mayroong inihahanda na plano para sa mga pamilya mula sa kanilang pagpasok at syempre hanggang doon sa kanilang paglabas na hindi masasayang yung pitong taon na ii-invest ng ating pamahalaan, ng ating partners, at mayroon mapupuntahan itong mga pamilya na ito—mababago, maaayos, at mapapaunlad natin ang kanilang pamumuhay,” dagdag pa ni SMD Chief Ponce.

Bukod sa seven-year limit at pagiging self-sufficiency level, nakasaad sa Rule XV Section 35 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng 4Ps Law ang mga rason para sa probisyon na naglalahad na maaari ng mag-graduate ang isang benepisyaryo.

Kabilang dito ang “last child being monitored in the household reaching the age of 18 or completing high school; voluntary withdrawal from the program; and violation or offense in the program resulting in appropriate penalties or removal from the program. “

Sinimulan ng 2008 at naisabatas batay sa Republic Act No. 11310 ng 2019, ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy and human capital investment program na nagbibigay ng conditional cash transter sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng pitong taon upang mapabuti ang kalusugan, nutrition at edukasyon ng mga bata.#