The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has assured the would-be graduates of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) of the continued support from local government units (LGUs), including various government agencies, and the private sector.

“Ang mga exiting 4Ps ay pormal na i-indorso sa kanilang mga lokal na pamahalaan kasama ang kanilang case folders upang maging gabay ng Local Social Welfare and Development Office sa mga programa at serbisyo na kakailanganin ng pamilya. Ang pag i-indorso ay isinasagawa tuwing Pugay Tagumpay Graduation Ceremonies na isinasagawa ng DSWD katuwang ang lokal na pamahalaan na kanilang kinabibilangan,” DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Romel Lopez, said.

(The exiting 4Ps beneficiaries will be formally endorsed to their respective local governments, along with their case folders, to serve as guide for the Local Social Welfare and Development Office in implementing programs and services that the families may need. The endorsement process takes place during the Pugay Tagumpay Graduation Ceremonies organized by DSWD, in partnership, with the local government).

“At dahil sa mga exiting o graduating na sambahayan, ang mga higit na nangangailangan na sambahayan ay mabibigyan ng oportunidad na mapabilang sa 4Ps program at magkaroon din ng pagkakataong paunlarin ang kanilang pamumuhay,” Asst. Secretary Lopez added.

(And because of the exiting or graduating households, those in greater need will have the opportunity to be included in the 4Ps program and have a chance to improve their quality of life).

The DSWD spokesperson also emphasized that in accordance with the Kilos-Unlad case management strategy, “graduating or exiting households undergo social preparation, such as attending Family Development Sessions.”

“Kabilang din ang pag-review sa household intervention plan upang mapasinop ang mga plano ng pamilya sa tulong ng mga city at municipal links upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad at hindi na sila muling magbalik sa pagiging mahirap,” he said.

(This includes reviewing the household intervention plan to ensure the family’s plans are well-crafted with the assistance of city and municipal links for their progress and prevent them from falling back into poverty).

Asst. Secretary Lopez pointed out that exiting or graduating families undergo a thorough assessment process to evaluate their living conditions before the Pugay Tagumpay.

“Ang mga pamilyang natukoy na umahon na sa kahirapan ay hindi na makakatanggap ng cash grant simula Pay Period 6 na sumasakop sa mga buwan ng Disyembre 2022 at Enero 2023,” the Assistant Secretary said.

(Families identified to have helped themselves out of poverty will no longer receive cash grants starting from Pay Period 6, which covers the months of December 2022 and January 2023)

In response to appeals from 4Ps beneficiaries, Asst. Secretary Lopez mentioned that the DSWD is conducting reassessment processes to verify the status of beneficiaries included in the list of those no longer qualified for the program.

“Dahil sa isinagawang re-assessment, ang ibang household ay hindi muna makakatanggap ng cash grant,” the Spokesperson added.

(As a result of the reassessment, some households will temporarily not receive cash grants).

Kilos Unlad

As part of its efforts to ensure the readiness of beneficiaries for their exit from the 4Ps program, the DSWD established the Kilos Unlad Social Case Management Framework.

“Ito ay proseso kung saan ginagabayan ang mga magtatapos na benepisyaryo ng 4Ps upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay katuwang ang pambansa at lokal na pamahalaan at pribadong sector,” Asst. Secretary Lopez explained.

(This is a process that guides graduating 4Ps beneficiaries in improving their quality of life in collaboration with the national and local governments and the private sector)

Asst. Secretary Lopez said that exiting and graduating beneficiaries may coordinate with their respective LGUs for supplemental assistance, and other services and programs that they may need.

Following Rule XV Section 35 of the Implementing Rules and Regulations of the 4Ps Law, the reasons for beneficiaries to exit the program include: (a) the last child being monitored in the household reaching the age of 18 or completing high school, (b) the household reaching the seven-year limit in the program, (c) no longer classified as a poor family based on the assessment conducted by the standardized targeting system (currently Listahanan), (d) voluntary withdrawal from the program, and (e) violation or offense in the program resulting in appropriate penalties or removal from the program. #

TAGALOG VERSION

4Ps graduates makakaasa ng patuloy na suporta mula sa LGUs, gov’t agencies, pribadong sektor

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga magsisipagtapos sa Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay  makakaasa ng patuloy na serbisyong hatid ng kanilang local government units (LGUs), kabilang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.

“Ang mga exiting 4Ps ay pormal na iindorso sa kanilang mga lokal na pamahalaan kasama ang kanilang case folders upang maging gabay ng Local Social Welfare and Development Office sa mga programa at serbisyo na kakailanganin ng pamilya. Ang pag iindorso ay isinasagawa tuwing Pugay Tagumpay Graduation Ceremonies na isinasagawa ng DSWD katuwang ang lokal na pamahalaan na kanilang kinabibilangan,” paliwanag ni Assistant Secretary Romel Lopez.

“At dahil sa mga exiting o graduating na sambahayan, ang mga higit na nangangailangan na sambahayan ay mabibigyan ng oportunidad na mapabilang sa 4Ps program at magkaroon din ng pagkakataong paunlarin ang kanilang pamumuhay,” dagdag pa ni Asst. Sec. Lopez na siya ring tagapagsalita ng DSWD.

Sinabi ni Asst. Sec. Lopez na alinsunod sa Kilos-Unlad case management strategy, “ang mga graduating o exiting na sambahayan ay daraan sa mga social preparation tulad ng pag-attend sa mga sesyon ng Family Development Sessions.”

“Kabilang din ang pag-review sa household intervention plan upang mapasinop ang mga plano ng pamilya sa tulong ng mga city at municipal Links upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad at hindi na sila muling magbalik sa pagiging mahirap,” ani Asst. Sec. Lopez.

Binigyang diin ng DSWD spokesperson na ang mga exiting o graduating na pamilya ay dumaan sa isang masinop na assessment process upang tingnan ang kanilang estado ng kanilang pamumuhay.

“Ang mga pamilyang natukoy na umahon na sa kahirapan ay hindi na makakatanggap ng cash grant simula Pay Period 6 sa sumasakop sa mga buwan ng Disyembre 2022 at at Enero 2023,” ani Asst Sec. Lopez.

Dahil sa mga natanggap na apela ng mga benepisyaryo ng 4Ps, sinabi ni Asst Sec. Lopez na nagsasagawa ang DSWD ng re-assessment upang maberipika ang estado ng mga benepisyaryo na napasama sa listahan ng mga hindi na kwalipikadong maging benepisyaryo ng programa.

“Dahil sa isinagawang re-assessment, ang ibang household ay hindi muna makakatanggap ng cash grant,” dagdag pa ng DSWD spokesperson.

Upang matiyak ang kahandaan ng mga benepisyaryo para sa kanilang pag exit sa 4Ps, nabuo ang Kilos Unlad Social Case Management Framework.

“Ito ay proseso kung saan ginagabayan ang mga magtatapos na benepisyaryo ng 4Ps upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay katuwang ang pambansa at lokal na pamahalaan at pribadong sector,” ani Asst. Sec. Lopez.

At upang matiyak ang kanilang tuluy-tuloy na pag-unlad, ang mga exiting o graduating na sambahayan ay makipapag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan para sa iba pang tulong, serbisyo, at programa na angkop sa kanila, paliwanag pa ni Asst. Sec. Lopez.

Base sa Rule XV Section 35 ng Implementing Rules and Regulations ng 4Ps Law, may iba’t-ibang kadahilanan upang mag-exit ang mga benepisyaryo. Ito ay ang mga sumusunod, (a) ang huling batang nasa monitoring sa sambahayan ay naabot na ang edad 18 o nakapagtapos na ng high school (b) naabot na ng sambahayan ang pitong-taon sa programa; (c) hindi na nabibilang sa mahihirap na pamilya ayon sa pagtatasa na gagawin ng standardized targeting system (Listahanan ang kasalukuyang ginagamit); (d) Boluntaryo o kusang pag-alis ng sambahayan sa program; at (e) paglabag o pagkakasala sa programa na mayroong karampatang parusang pagtanggal sa programa.#