Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian on Wednesday (October 30) paid tribute to the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) household-beneficiaries for their resilience in withstanding challenges brought about by poverty while staying together as a family.

“Kung mayroon talagang pamilya na karapat-dapat na bigyan ng parangal, kayo ‘yun—-mga pamilya na kasama namin ngayong hapon—-dahil pinakita ninyo na kahit na anong hamon ay kayang-kaya natin kapag magkakasama ang pamilya,” Secretary Gatchalian said in his message during the National Family Congress (NFC) at the Swiss-Belhotel Bluelane in Santa Cruz, Manila.

Anchored on the theme “Pamilyang Pantawid: Matatag sa Hamon, Patuloy sa Pag-unlad”, the celebration, according to the DSWD chief, captured the spirit of every family who has persevered in life.

“Despite the many challenges posed by poverty, we have witnessed how your strength, positivity, and unwavering dedication have become a beacon of hope and inspiration—not just for your communities, but also for the future generation,” Secretary Gatchalian said.

Secretary Gatchalian emphasized that the agency, through the 4Ps, is empowering families to break free from the cycle of poverty, enabling them to create better opportunities for their children, and fostering an environment where every family member can thrive.

“Gayundin, sa ilalim ng 4Ps, layunin nating patatagin ang mga pamilya sa gitna ng pagsubok, tiyakin ang kanilang kalusugan at edukasyon, at higit sa lahat, palakasin ang kanilang kakayahan upang patuloy na umasenso,” Secretary Gatchalian pointed out.

The DSWD chief added: “Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad ng NFC—-tulad ng mga seminar, workshops, at ang ating natatanging parangal para sa Huwarang Pantawid Pamilya—-ipinakikita natin ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo bilang mga haligi ng pagbabago.”

As one of the highlights of the event, Secretary Gatchalian awarded 16 Huwarang Pantawid Pamilya from the different regions who demonstrated positive Filipino values and maintained family ties despite the challenges brought about by poverty.

Winners from the 16 regions received a plaque of recognition and cash incentive of Php10,000 each, on top of the other prizes provided by their respective DSWD Field Offices.

The DSWD chief also acknowledged the achievement of four former 4Ps monitored children who passed and topped the recently conducted Social Workers Licensure Examination.

Sheena Mae Obispo from Region 5 (Bicol) bagged the first spot in the licensure exam; followed by Brigette Wong from Region 12 (SOCCSKSARGEN) in the fifth spot; Sigfrid Garwil Bugas from Caraga Region in the sixth spot; and Marc Danielle Maceda from Region 8 (Eastern Visayas) in the eighth spot.

“Silang apat ay mga ehemplo na kahit na anong hamon, basta pinagtrabahuhan, pinagsakripisyuhan, walang imposible,” Secretary Gatchalian said.

Sheena Mae, the newly registered social worker, said her family instilled on her and her siblings the value of education, inspiring her to finish her studies during the time that she was sick.

“Noong time na po yun ay sakitin ako at bawal magtakbo-tabko at bawal maglaro. During those times po, si Papa, kinakarga nya po ako hanggang sa school. Bundok po kasi yung sa amin, tapos ilog, pero okay lang po sa kanya yun kahit ang tagal ng lakaran. Talagang aabutin sya ng oras. Pero ihahatid nya po ako tapos susunduin nya ulit ako,” Sheena Mae narrated.

Sheen Mae expressed her gratitude to the DSWD and 4Ps for the assistance as well as for helping her discover herself, which led her to take social work.

“Sa DSWD po, sobrang thankful po talaga ako at grateful sa opportunity na binigay sa amin kasi talagang magsustain kung wala kang external resources o kung wala ka man lang ma-expect na pwedeng tumulong sa iyo. Yung DSWD po kasi, aside sa 4Ps, ang laki rin po ng naging help sa akin sa pagdiscover ko sa sarili ko,” said Sheena Mae.

Launched in 2008 and institutionalized by Republic Act No. 11310 in 2019, the 4Ps is the national poverty reduction strategy and human capital investment program that provides conditional cash transter to poor households for a maximum period of seven years to improve their children’s health, nutrition and education. #

 

Tagalog Version

 

DSWD chief nagbigay-pugay sa mga pamilya ng 4Ps na patuloy na hinaharap ang mga hamon ng kahirapan

Binigyang pugay ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) household-beneficiaries para sa ipinapakitang katatagan ng mga ito sa ano mang hamon ng buhay ay napapanatili nito ang pagsasama-sama bilang isang pamilya.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Secretary Gatchalian sa ginanap na National Family Congress (NFC) sa Swiss-Belhotel Bluelane, Santa Cruz, Manila nitong Miyerkules ( October 30) “Kung mayroon talagang pamilya na karapat-dapat na bigyan ng parangal, kayo ‘yun—-mga pamilya na kasama namin ngayong hapon—-dahil pinakita ninyo na kahit na anong hamon ay kayang-kaya natin kapag magkakasama ang pamilya.”

May temang Pamilyang Pantawid: Matatag sa Hamon, Patuloy sa Pag-unlad”, sinabi ng DSWD chief ang kahalagahan ng nagkakaisang pamilya .

“Despite the many challenges posed by poverty, we have witnessed how your strength, positivity, and unwavering dedication have become a beacon of hope and inspiration—not just for your communities, but also for the future generation,” sabi ng Kalihim.

Binigyang diin ng Kalihim ang mga pagsisikap na ginagawa ng ahensya sa pamamagitan ng 4Ps, upang maiahon sa kahrapan ang mga mamamayang Pilipino na nasa bulmerableng sektor ng lipunan.

“Gayundin, sa ilalim ng 4Ps, layunin nating patatagin ang mga pamilya sa gitna ng pagsubok, tiyakin ang kanilang kalusugan at edukasyon, at higit sa lahat, palakasin ang kanilang kakayahan upang patuloy na umasenso,” dagdag pa ni Secretary Gatchalian.

Sinabi pa nito na “Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad ng NFC—-tulad ng mga seminar, workshops, at ang ating natatanging parangal para sa Huwarang Pantawid Pamilya—-ipinakikita natin ang kahalagahan ng bawat isa sa inyo bilang mga haligi ng pagbabago.”

Samantala, ginawaran naman ni Secretary Gatchalian ang 16 Huwarang Pantawid Pamilya mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa na nagpapakita ng Filipino values at nananatiling nagkakaisa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay sanhi ng kahirapan.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng plaque of recognition at cash incentive na tig Php10,000 bukod sa iba pang premyo na ibinigay ng DSWD Field Offices.

Bukod dito, kinilala din ng DSWD chief ang achievement na tinamo ng apat na dating 4Ps monitored children na pawang pumasa sa katatapos na Social Workers Licensure Examination.

Top 1 si Sheena Mae Obispo mula Region 5 (Bicol) sa SWLE habang top 5 naman si Brigette Wong ng Region 12 (SOCCSKSARGEN) at top 6 si Sigfrid Garwil Bugas ng Caraga Region at Marc Danielle Maceda mula Region 8 (Eastern Visayas) ang nasa top 8.

“Silang apat ay mga ehemplo na kahit na anong hamon, basta pinagtrabahuhan, pinagsakripisyuhan, walang imposible,” sabi ni Secretary Gatchalian.

Ayon kay Sheena Mae, naging inspirasyon niya ang kanyang pamilya upang magsumikap sa pagaaral sa kabila ng pagiging masasakitin.

“Noong time na po yun ay sakitin ako at bawal magtakbo-tabko at bawal maglaro. During those times po, si Papa, kinakarga nya po ako hanggang sa school. Bundok po kasi yung sa amin, tapos ilog, pero okay lang po sa kanya yun kahit ang tagal ng lakaran. Talagang aabutin sya ng oras. Pero ihahatid nya po ako tapos susunduin nya ulit ako,” sabi ni Sheena Mae.

Dagdag pa niya, “sa DSWD po, sobrang thankful po talaga ako at grateful sa opportunity na binigay sa amin kasi talagang magsustain kung wala kang external resources o kung wala ka man lang ma-expect na pwedeng tumulong sa iyo. Yung DSWD po kasi, aside sa 4Ps, ang laki rin po ng naging help sa akin sa pagdiscover ko sa sarili ko.”

Sinimulan ng 2008 at naisabatas batay sa Republic Act No. 11310 ng 2019, ang 4Ps ay isang national poverty reduction strategy and human capital investment program na nagbibigay ng conditional cash transter sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng pitong taon upang mapabuti ang kalusugan, nutrition at edukasyon ng mga bata.#