The Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Field Office (FO) 2 – Cagayan Valley on Wednesday (October 9) continued the distribution of cash aid to areas severely hit by the Super Typhoon (ST) Julian in the island province of Batanes.
DSWD FO-2 Regional Director Lucia Suyu-Alan personally led the distribution of Php10,000 to some 1,000 beneficiaries in the municipality of Itbayat under the agency’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
This cash aid, according to the FO-2 Director, is fundamental to help in the recovery of families that were dealt with the heavy impact of ST Julian.
“Ang pamamahagi ng cash assistance ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng ating DSWD Secretary Rex Gatchalian na magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong residente,” Director Suyu-Alan said during the payout activity.
A similar payout was also held on Tuesday (October 8) to more than 4,000 beneficiaries in the municipality of Basco, marking the first leg of DSWD’s Batanes-wide cash distribution.
Director Suyu-Alan also oversaw the said payout with Batanes Governor Marilou Cayco and Lone District Congressman Ciriaco Gato Jr joining the activity.
Director Suyu-Alan assured the locals that the Field Office will continue to reach out to Julian-hit families, as provincial-wide cash aid will cover the six municipalities of Batanes.
“Patuloy na binabantayan ng ahensya ang kalagayan ng mga residente sa Batanes upang masigurong maipapamahagi ang lahat ng kinakailangang tulong para sa kanilang tuluyang pagbangon mula sa epekto ng bagyo,” the DSWD regional director pointed out.
Tagalog Version
DSWD patuloy ang cash aid sa 1,000 pamilyang apektado ni ‘Julian’ sa Batanes
Nagpapatuloy pa rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) 2 – Cagayan Valley sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Julian sa Batanes.
Personal na pinamahalaan ni DSWD FO-2 Regional Director Lucia Suyu-Alan ang pamimigay ng Php10,000 sa may 1,000 beneficiaries ng munisipalidad ng Itbayat sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.
Ayon sa FO-2 Director, malaki ang naitutulong ng cash aid para sa muling pagpapanumbalik sa normal na pamumuhay ng mga naapektuhan ng kalamidad.
“Ang pamamahagi ng cash assistance ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng ating DSWD Secretary Rex Gatchalian na magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong residente,” sabi ni Director Suyu-Alan.
Nagsagawa din ng payout nitong Martes (October 8) sa munisipalidad ng Basco kung saan mahigit sa 4,000 beneficiaries ang nabiyayaan.
Pinangasiwaan ni Director Suyu-Alan ang payout kasama sina Batanes Governor Marilou Cayco at Lone District Congressman Ciriaco Gato Jr.
Samantala, tiniyak naman ni Director Suyu-Alan ang mga residente na tuloy-tuloy ang gagawing pagbibigay ng tulong ng Field Office sa anim na munisipalidad ng Batanes.
“Patuloy na binabantayan ng ahensya ang kalagayan ng mga residente sa Batanes upang masigurong maipapamahagi ang lahat ng kinakailangang tulong para sa kanilang tuluyang pagbangon mula sa epekto ng bagyo,” paliwanag pa ng DSWD regional director.#