The Department of Social Welfare and Development (DSWD) continues distribution of the second tranche of the emergency cash subsidy under the Social Amelioration Program (SAP) to its intended beneficiaries
As of July 29, DSWD has so far disbursed almost P46.5 billion to over 6.9 million family-beneficiaries of the program. The number includes more than 1.3 million Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries; over 3.7 million low-income, non-4Ps families; and almost 1.9 million “waitlisted” families nationwide.
DSWD is exerting all efforts to complete the distribution of the assistance to qualified beneficiaries, through manual and digital payouts, by the end of July. For geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) and conflict-affected areas, payouts may be extended until the second week of August due to mobility constraints.
In a bid to expedite the provision of aid, the Department came up with innovations through the help of its partners from other national government agencies, development partners, and private groups, such as the use of a mobile and website application, the ReliefAgad, to easily capture beneficiary details; and the engagement of Financial Service Providers (FSPs) for the digital payout of the assistance.
Beneficiaries who have registered through ReliefAgad have started to receive their SAP through DSWD’s partner-FSPs, including GCash, Paymaya, Starpay, RCBC, Robinsons Bank, and Unionbank. More than 5.2 million beneficiaries have received the cash subsidy through digital mode of payment via the six FSPs.
DSWD continues to urgently process the payroll for the digital payout of the SAP to the remaining beneficiaries. The Department has already pre-funded or transferred funds for the SAP of more than 4.8 million beneficiaries to its bank accounts and mother wallet accounts maintained by its partner FSPs. The number includes 1,286,551 families who will receive their subsidy from GCash; 337,768 from Paymaya; 682,639 from RCBC; 99,745 from Robinsons Bank; 1,890,263 from Starpay; and 537,668 from Unionbank. Some 50,459 will receive their SAP from Landbank of the Philippines.
Simultaneous with the digital payout is the conduct of manual payouts by DSWD Field Offices (FOs) for beneficiaries who do not have access to the Internet and payout partners of FSPs, as well as those in far-flung areas.
According to DSWD Secretary Rolando D. Bautista, DSWD faced challenges in the implementation of the program, but it remains committed to deliver the aid to families in need.
“Hindi naging madali ang mga tinahak natin. Maraming pagsubok ang ating hinarap. Sa katunayan, marami sa ating mga kawani ang nag-sa-sakripisyo at patuloy na hinaharap ang banta ng COVID-19 upang ang ayuda ay maihatid sa ating mga kababayan. Nais kong ipaabot na sa kabila ng lahat ng problema at pagsubok, hindi natitinag ang DSWD,” Secretary Bautista said.
DSWD assured that it is using all means to expeditiously deliver the SAP cash subsidy to low-income family-beneficiaries to help provide for their basic needs amid the pandemic. ###
DSWD, namahagi ng P46.5 bilyon para sa ikalawang bahagi ng SAP
Patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pamamahagi ng ikalawang bahagi ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga benepisyaryo nitó.
Ayon sa ika-29 ng Hulyo na ulat, umabot na sa halos P46.5 bilyon ang naipamahagi ng DSWD sa mahigit 6.9 milyong pamilya-benepisyaryo ng programa. Kasáma sa bílang ang mahigit sa 1.3 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mahigit 3.7 milyong low-income na mga pamilya at hindi 4Ps, at halos 1.9 milyong pamilyang nása “waitlisted” sa buong bansa.
Ginagawa ng DSWD ang lahat ng makakaya nitó upang makompleto ang pamamahagi ng tulong sa mga kalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng manwal at digital payouts sa katapusan ng Hulyo. Dahil sa limitasyon sa mobilidad, maaaring palawagin ang huling araw ng payout sa mga lugar na liblib, mahirap puntahan o may sigalot.
Upang mapabilis ang pamimigay ng ayuda, bumuo ang Departamento ng mga inobasyon sa tulong ng mga partner nitó na mula sa ibang mga pambansang ahensiya ng pamahalaan, development partner, at pribadong grupo, gaya ng paggamit ng isang mobile at website application, ang ReliefAgad, upang madaling makuha ang mga impormasyon ng mga benepisyaryo; at ang paggamit ng Financial Service Providers (FSP) para sa digital payout ng mga ayuda.
Nagsimula nang tumanggap ng kanilang mga SAP ang mga benepisyaryong nagparehistro gámit ang ReliefAgad sa tulong ng mga partner na FSP ng DSWD, kabílang ang Gcash, Paymaya, Starpay, RCBC, Robinsons Bank, at Unionbank. Mahigit 5.2 milyong mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang ayuda sa pamamagitan ng digital na pamamaraan sa ilalim ng anim na FSPs.
Patuloy ang DSWD sa mabilis na pagpoproseso ng payroll para sa digital payout ng SAP sa natítiráng mga benepisyaryo. Nakapag-prefund na rin o nakapaglipat na ng pondo ang Ahensya para sa mahigit 4.8 milyon na mga benepisyaryo sa bank account at mother wallet account nito na minementena ng mga partner na FSPs. Kasama sa bilang na ito ang 1,286,551 na mga pamilya na makukuha ang kanilang ayuda mula sa GCash; 337,768 mula sa Paymaya; 682,639 mula sa RCBC; 99,745 mula sa Robinsons Bank; 1,890,263 mula sa Starpay; at 537,668 mula sa Unionbank. Mayroong 50,459 ang makakatanggap ng kanilang SAP mula sa Landbank of the Philippines.
Kasabay ng digital payout ay ang pagsasagawa ng manwal na payout ng mga DSWD Field Office (FO) para sa mga benepisyaryong walang akses sa Internet at mga payout partner ng FSPs, kasáma ang mga nása malalayong lugar.
Ayon kay DSWD Kalihim Rolando D. Bautista, maraming hámon ang hinarap ng DSWD sa implementasyon ng programa ngunit nananatili ito sa pangakong maihatid ang ayuda sa mga pamilyang nangangailangan.
“Hindi naging madali ang mga tinahak natin. Maraming pagsubok ang ating hinarap. Sa katunayan, marami sa ating mga kawani ang nagsasakripisyo at patuloy na hinaharap ang banta ng COVID-19 upang ang ayuda ay maihatid sa ating mga kababayan. Nais kong ipaabot na sa kabila ng lahat ng problema at pagsubok, hindi natitinag ang DSWD,” ayon kay Kalihim Bautista.
Tinitiyak ng DSWD na ginagawa nitó ang lahat ng paraan upang mabilis na maibigay ang SAP cash subsidy sa mga pamilya-benepisyaryo na may mababang kíta upang makatulong sa kanilang mga pang-araw-araw ng pangangailangan sa gitna ng pandemya. ###