The Department of Social Welfare and Development (DSWD) assured on Thursday (January 16) that the food being served at the Walang Gutom Kitchen in Pasay City is very much safe for consumption by individuals experiencing involuntary hunger.
DSWD Social Technology Bureau (STB) Officer-in-Charge Division Chief Jason Oabel said the kitchen strictly implements a “first in, first out” system to ensure that donated food from private sector-partners will be served before its expiry date and will not cause harm to the beneficiaries.
“Unang-una po, ang tinitingnan natin d’yan ay yung expiration dahil very important po ‘yon. Dahil nga po ito ay mga pagkain, amin pong maigting na ini-implement ang first in, first out para ma-ensure natin na yung mga binibigay nating pagkain ay hindi makasasama sa ating mga kababayan na nag-aavail ng serbisyo ng Walang Gutom Kitchen,” OIC Division Chief Oabel told reporters at the Thursday Media Forum at the Central Office’s New Press Center in Quezon City.
The division chief said allergen information is also being collected and recorded to avoid any incident such as allergic reaction.
“Even po yung mga allergens ay tinitingnan at kinukuha po yung mga ganoong datos,” OIC Division Chief Oabel said at the forum.
According to OIC Division Chief Oabel, the agency is accepting any food donation as long as the products are clean, safe to consume, and not discarded food or ‘pagpag’.
“Ang kanila pong donation ay surplus, hindi po ito tira-tira at hindi po talaga ito nai-serve pa. Halimbawa po, ang New World Hotel, a member of the Philippine Hotel Owners Association (PHOA), nagdo-donate po sila sa amin ng packed meals. Ito po ay talagang naka-pack at hindi po ito pinagsama-samang pagkain,” the division chief said.
OIC-DC Oabel said that aside from packed food, the kitchen also accepts vegetable and other ingredients that can be used for cooking.
“Pwede rin po tayong tumanggap ng nga ingredients or mga raw, even mga gulay kasi kami rin po ay nagluluto sa kitchen. Also, yun din pong mga canned goods na pwedeng isama sa pagluluto,” Division Chief Oabel pointed out.
The division chief also called for food donations from hotels, restaurants, and other food establishments, as well as from individuals who are willing to render volunteer service for the Walang Gutom Kitchen.
“Patuloy po ang aming panawagan sa ating mga kababayan na gustong makatulong—either services or magdonate po ng mga food items—para po mas marami tayong maserbisyohan na ating mga kababayan na nasa lansangan,” Division Chief Oabel said.
Private partners and individuals who want to volunteer may reach the Walang Gutom Kitchen through 0916-829-7202 or walanggutomkitchen@dswd.gov.ph. (YADP)
Tagalog Version
DSWD tiniyak na malinis ang pagkaing inihahain sa Walang Gutom Kitchen
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na malinis at ligtas ang pagkaing inihahain sa Walang Gutom Kitchen sa Pasay City.
Sa ginanap na Thursday Media Forum sa New Press Center sa DSWD Central Office, sinabi ni Social Technology Bureau (STB) Officer-in-Charge Division Chief Jason Oabel na mahigpit nilang ipinapatupad ang “first in, first out” system sa Walang Gutom Kitchen upang masiguro na ang mga donasyong pagkain mula sa mga private sector-partners ay maihain ng maayos sa mga kliyente nito na nagtutungo sa nasabing food kitchen.
“Unang-una po, ang tinitingnan natin d’yan ay yung expiration dahil very important po ‘yon. Dahil nga po ito ay mga pagkain, amin pong maigting na ini-implement ang first in, first out para ma-ensure natin na yung mga binibigay nating pagkain ay hindi makasasama sa ating mga kababayan na nag-aavail ng serbisyo ng Walang Gutom Kitchen,” sabi ni OIC Division Chief Oabel.
Dagdag pa niya, “Even po yung mga allergens ay tinitingnan at kinukuha po yung mga ganoong datos.”
Tumatanggap aniya ng kahit na anong food donation ang Walang Gutom Kitchen basta ito ay tiyak na malinis at ligtas at hindi tira-tira o “pagpag”.
“Ang kanila pong donation ay surplus, hindi po ito tira-tira at hindi po talaga ito nai-serve pa. Halimbawa po, ang New World Hotel, a member of the Philippine Hotel Owners Association (PHOA), nagdo-donate po sila sa amin ng packed meals. Ito po ay talagang naka-pack at hindi po ito pinagsama-samang pagkain,” sabi pa ng division chief.
Gayundin, sinabi ni OIC-DC Oabel na bukod sa mga packed food, ang Walang Gutom Kitchen ay tumatanggap din ng mga donasyong tulad ng gulay at iba pang sahog na panluto.
“Pwede rin po tayong tumanggap ng nga ingredients or mga raw, even mga gulay kasi kami rin po ay nagluluto sa kitchen. Also, yun din pong mga canned goods na pwedeng isama sa pagluluto,” sabi pa ni Division Chief Oabel.
“Patuloy po ang aming panawagan sa ating mga kababayan na gustong makatulong—either services or magdonate po ng mga food items—para po mas marami tayong maserbisyohan na ating mga kababayan na nasa lansangan,” dagdag pa ng opisyal.
Samantala, maaari naming makipagugnayan ang mga private partners at indibidwal na nais tumulong o mag-volunteer sa Walang Gutom Kitchen sa mga numerong 0916-829-7202 o walanggutomkitchen@dswd.gov.ph. # (MVC)