“Iyong buong amount na Php26 billion, lahat yan ay DSWD ang magpapatupad, hindi po ang mga pulitiko, hindi po ang mga public servants natin. Pondo ‘yan ng DSWD. Lahat yan ay dadaan sa masusing pag-aaral, bawat sentimo, ng social workers natin,” Secretary Gatchalian said during an interview with Teleradyo Serbisyo.
The bicameral conference committee, composed of congressmen and senators, on the 2025 national budget approved on December 11 the restoration of the Php26 billion AKAP allocation.
Secretary Gatchalian explained that the AKAP’s potential beneficiaries are assessed individually by social workers of the DSWD before receiving any cash aid.
“Tulad ng ipinaliwanag ko kanina, everything goes to a social worker’s case intake. Iniisa-isa nila yan,” the DSWD chief pointed out.
According to the DSWD chief, the AKAP is different from the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), the DSWD’s flagship poverty alleviation program, in terms of beneficiaries and program objectives.
“Ang AKAP ay ibinibigay kapag may pangangailangan, hindi yung katulad ng 4Ps na regular na natatanggap dahil kailangan ka naming iahon sa kahirapan,” Secretary Gatchalian explained.
The DSWD chief added: “Ang 4Ps ay para sa mga no income. Ang beneficiaries natin sa 4Ps ay the poorest of the poor. Pangalawa, and 4Ps ay recurring, buwan-buwan at may conditions.”
The AKAP provides a one-time cash assistance to eligible beneficiaries whose income falls below the poverty threshold. (YADP)
Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na DSWD lang ang tanging tagapagpatupad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
“Iyong buong amount na Php26 billion, lahat yan ay DSWD ang magpapatupad, hindi po ang mga pulitiko, hindi po ang mga public servants natin. Pondo ‘yan ng DSWD. Lahat yan ay dadaan sa masusing pag-aaral, bawat sentimo, ng social workers natin,”sabi ni Secretary Gatchalian sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.
Nitong nakaraang Miyerkules (December 11) inaprubahan ng bicameral conference committee, ang 2025 national budget kung saan kasama dito ang restoration ng Php26 billion AKAP allocation.
Kasabay nito, nilinaw ni Secretary Gatchalian na ang potential beneficiaries ng AKAP ay masusing dumadaan sa assessment ng mga social workers ng ahensya, bago makatanggap ang mga beneficiaries ng tulong pinansyal.
“Tulad ng ipinaliwanag ko kanina, everything goes to a social worker’s case intake. Iniisa-isa nila yan,” paliwanag ng DSWD chief.
Ayon pa sa Kalihim, ang AKAP ay iba sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), pagdating sa mga beneficiaries at objectives ng programa.
“Ang AKAP ay ibinibigay kapag may pangangailangan, hindi yung katulad ng 4Ps na regular na natatanggap dahil kailangan ka naming iahon sa kahirapan,” paglilinaw pa ni Secretary Gatchalian.
Dagdag pa niya, “Ang 4Ps ay para sa mga no income. Ang beneficiaries natin sa 4Ps ay the poorest of the poor. Pangalawa, and 4Ps ay recurring, buwan-buwan at may conditions.”
Ang AKAP ay nagbibigay ng one-time cash assistance sa mga eligible beneficiaries na nabibilang sa low wage earners.# (MVC)