Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian emphasized on Tuesday (October 15) that the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. remains committed on helping the Filipino people, with a strong focus on education and efforts to further develop the country’s economy.
In a radio interview, Secretary Gatchalian explained that while President Marcos’ efforts to provide various forms of assistance to needy Filipinos are temporary, his administration is prioritizing the enhancement of key sectors such as education and the economy.
“Laging sinasabi ng Pangulo, panandalian o temporary lang na lunas ang social welfare. Ang anti-poverty programs katulad ng libreng edukasyon, paglago ng ekonomiya para magkaroon ng trabaho ang mga tao – ‘yan ang bagay na long-term in nature para maihaon natin sila sa kahirapan,” Secretary Gatchalian said.
Secretary Gatchalian, in the same radio interview, belied observations that the Philippines is becoming an “ayuda nation,” with many Filipinos increasingly reliant on government assistance.
The DSWD chief said he sees nothing wrong with providing such, as it is part of the agency’s mandate to serve the Filipino people.
“Bahagi lang ng trabaho ng estado na kailangan ang mga mahihirap, vulnerable, at ‘yung mga marginalized – the poor, the vulnerable, and the marginalized. ‘Yung mga taong hindi kayang protektahan ‘yung mga sarili, trabaho ‘yan ng estado,” Secretary Gatchalian explained.
The DSWD chief added: “Kailangan masusing pinagdaraanan kung pasok ba to sa criteria ng social welfare … ‘yan yung mga pangmatagalang programa para maiahon natin sila sa kahirapan para hindi na nila kakailanganin na lumapit ulit para sa social welfare.”#
Tagalog Version
Pinalakas na edukasyon at ekonomiya, pokus ng Marcos admin – DSWD
Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang edukasyon na maga-angat sa ekonomiya ng bansa.
Sa panayam sa radyo ngayong Martes (October 15) sinabi ni Secretary Gatchalian, prayoridad aniya ng administrasyong Marcos ang pagpapalakas sa ekonomiya at edukasyon bukod sa mga pagtulong na ginagawa nito sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng ahensya.
“Laging sinasabi ng Pangulo, panandalian o temporary lang na lunas ang social welfare. Ang anti-poverty programs katulad ng libreng edukasyon, paglago ng ekonomiya para magkaroon ng trabaho ang mga tao – ‘yan ang bagay na long-term in nature para maihaon natin sila sa kahirapan,” sabi ni Secretary Gatchalian.
Gayunman, pinabulaanan ni Secretary Gatchalian sa nasabing radio interview ang puna na umano’y nagiging “ayuda nation” ang bansa, kung saan karamihan sa mga Pilipino ngayon ang nakasalalay na lamang sa iba’t ibang mga government assistance.
Ayon sa Kalihim, walang siyang nakikitang masama sa pagtulong sa mga nangangailangan dahil aniya ang pagtulong at pagbibigay serbisyo ay mandato ng DSWD.
“Bahagi lang ng trabaho ng estado na kailangan ang mga mahihirap, vulnerable, at ‘yung mga marginalized – the poor, the vulnerable, and the marginalized. ‘Yung mga taong hindi kayang protektahan ‘yung mga sarili, trabaho ‘yan ng estado,” paliwanag pa ni Secretary Gatchalian.
Dagdag pa niya, “Kailangan masusing pinagdaraanan kung pasok ba to sa criteria ng social welfare … ‘yan yung mga pangmatagalang programa para maiahon natin sila sa kahirapan para hindi na nila kakailanganin na lumapit ulit para sa social welfare.”#