A senior official of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) reiterated on Thursday (September 5) the requirements for centenarians or their families before they receive the Php100,000 cash gift as mandated under Republic Act (RA) 10868 or the Centenarians Act of 2016.

“Unang-una, kung yung pamilya ng centenarian natin ay nagpo-proseso para sa centenarians gift, ang mga requirement po ay birth certificate o Philippine passport. Kung halimbawa na hindi ‘yan available, o kung hindi na-produce ang kanyang birth certificate dahil panahon ng giyera, maaaring magsumite ng affidavit executed by at least two disinterested persons. Maaari rin ang marriage certificate kung available or birth certificate ng mga anak ng centenarian,” DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, who is also the agency spokesperson, told reporters at the Thursday Media Forum held weekly at the DSWD Central Office’s New Press Center in Quezon City.

The DSWD spokesperson said baptismal or confirmation certificate, as well as school or employment records showing the date of birth of the centenarian may also be submitted in the absence of the primary documentary requirements.

In the case of a deceased centenarian, Asst. Secretary Dumlao said the DSWD will still release the cash gift to the estate or nearest surviving relative.

“The next of kin ay siyang maaaring tumanggap ng centenarians gift in case na nag-100 years old na siya ay hindi pa niya nakuha and then after a few months ay sumakabilang buhay,” the DSWD spokesperson pointed out.

Asst. Secretary Dumlao said the Centenarians Act, which is currently being implemented by the DSWD, will be transferred to the National Commission of Senior Citizens (NCSC), along with the
implementation of the Expanded Centenarians Act – covering senior citizens under the age milestones of 80,85,90 and 95.

“Sa kasalukuyan ay nasa pondo po iyan ng DSWD but starting next year, yan po ay itu-turn over na natin sa NCSC,” Asst. Secretary Dumlao said.

RA 10868 provides that all Filipinos who have reached 100 years old and above, whether residing in the Philippines or abroad, shall be honored with a Letter of Felicitation from the President of the Philippines congratulating the celebrant for their longevity and a Centenarian gift in the amount of P100,000.

Complete requirements

To avail of the benefits under the law, relatives of the centenarians must submit primary documents—the birth certificate and Philippine passport—to the City or Municipal Social Welfare Office and/or to the Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) in their respective local government units (LGUs).

If the two documents are not available, any one of the primary Identification Cards issued by Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), the Government Service Insurance System (GSIS), and Social Security System (SSS); driver’s license; Professional Regulations Commission (PRC) license; and Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID are also accepted.

The centenarians or their family members can also submit any secondary documents such as marriage certificate, birth certificate of a child borne by the centenarian, among others.#

Tagalog Version

DSWD binigyang diin ang requirement sa pagkuha ng Centenarians’ cash gift

Ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga isusumiteng requirements para matanggap ang Php100,000 centenarian cash gift, bilang mandato ng Republic Act (RA) 10868 o Centenarians Act of 2016.

“Unang-una, kung yung pamilya ng centenarian natin ay nagpo-proseso para sa centenarians gift, ang mga requirement po ay birth certificate o Philippine passport. Kung halimbawa na hindi ‘yan available, o kung hindi na-produce ang kanyang birth certificate dahil panahon ng giyera, maaaring magsumite ng affidavit executed by at least two disinterested persons. Maaari rin ang marriage certificate kung available or birth certificate ng mga anak ng centenarian,” sabi ni DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao

Sa ginanap na Media Forum sa DSWD New Press Center sa Quezon City, sinabi ng DSWD spokesperson na maaari ding i-submit ang baptismal o confirmation certificate, gayundin ang school o employment records na nagpapakita ng buwan ng kapanganakan ng centenarian. Ang mga nasabing dokumento ay isusumite sakaling ang mga pangunahing kailangan o requirement ay hindi na available o wala ng makitang record nito.

Sakali naman na sumakabilang buhay na ang centenarian, sinabi ni Asst. Secretary Dumlao na maibibigay pa rin naman ng DSWD ang cash gift sa mga anak o sa pinakamalapit na kamag-anak ng matanda.

“The next of kin ay siyang maaaring tumanggap ng centenarians gift in case na nag-100 years old na siya ay hindi pa niya nakuha and then after a few months ay sumakabilang buhay,” paliwanag pa ng DSWD spokesperson.

Sabi pa ni Asst. Secretary Dumlao, ang Centenarians Act, na kasalukuyang pinapatupad ng DSWD ay nakatakda namang ilipat sa tanggapan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Ito na rin ang magpapatupad ng Expanded Centenarians Act – covering senior citizens na nasa edad mula 80,85,90 at 95.

“Sa kasalukuyan ay nasa pondo po iyan ng DSWD but starting next year, yan po ay itu-turn over na natin sa NCSC,” dagdag pa ni Asst. Secretary Dumlao.

Nakasaad sa RA 10868 na ang lahat ng Pilipino na sumapit na sa 100 years old pataas at nakatira sa Pilipinas o maging sa ibang bansa, ay mabibigyan ng Letter of Felicitation mula sa President of the Philippines bilang pagbati sa celebrant dahil sa naging mahabang buhay nito at dahil dito igagawad sa kanya ang Centenarian gift na nagkakahalaga ng P100,000.

Upang makuha naman ang mga benepisyong ito, sa ilalim ng batas, ang mga kaanak ng centenarians ay kailangang mag-submit ng mga pangunahing dokumento, tulad ng the birth certificate at Philippine passport. Ito ay isusumite sa City or Municipal Social Welfare Office o sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng kani-kanilang lugar.

Kung sakali na wala ang dalawang nabanggit na dokumento. Maaari din ipakita ang primary Identification Cards mula sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Government Service Insurance System (GSIS), at Social Security System (SSS); driver’s license; Professional Regulations Commission (PRC) license; at Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID.

Maaari ding magsumite ng secondary documents ang mga kaanak ng centenarian, tulad ng marriage certificate, birth certificate ng anak ng centenarian.#