Menu

Socotec ISO-9001 Certification Logo
The Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Pag-Abot Program has already reached out to more than 3,000 individuals in street situations this year.
Pag-Abot Program OIC-Division Chief Jayson Oabel told reporters during the DSWD Thursday (November 21) Media Forum that the program reached out 3,354 individuals in street situations, of whom 2,784 have returned home.
“Mayroon po kaming tinatawag na package of services, so ito po ay kinapapalooban ng financial at transportation assistance at relocation allowance sa kanilang pag-uwi sa kanila pong mga probinsya,” OIC-Division Chief Oabel said when asked about the forms of assistance provided to the beneficiaries.
Before allowing the clients to return to their hometowns, Pag-Abot social workers from the DSWD’s Field Offices and receiving local government units (LGUs) will conduct a pre-reintegration case  conference to prepare the reintegration plan for the beneficiaries.
The plan includes the activities and the roles and responsibilities of concerned personnel to ensure the successful reintegration of the beneficiaries. The Pag-Abot team division chief told the Media Forum they have already started intensifying their mass reach-out operations in Metro Manila in coordination with LGUs since the start of the “Ber” months.
“Ngayon pong mga panahong ito ongoing po yung mga mass reach out para po mabigyan natin ng serbisyo ang ating mga kababayang nasa lansangan at mai-alis po sila duon sa kapahamakang pwedeng kasadlakan po nila kung sila ay mananatili sa lansangan,” OIC-Division Chief Oabel said.
The Pag-Abot Program was standardized through Malacañang’s issuance of Executive Order (EO) No. 52.
It expanded to strengthen the reach-out operations for families and individuals in street situations (FISS) with the help of other national government agencies.
The weekly Thursday Media Forum at the DSWD Central Office’s New Press Center is hosted by Special Assistant to the Secretary (SAS) for Communications Raymond Robert Burgos and Traditional Media Service Director Aldrine Fermin. It is live-streamed over the DSWD Facebook page. # (AKDL)
Tagalog Version

3K nakatira sa lansangan natulungan ng DSWD Pag-Abot Program

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Pag-Abot Program na umabot na sa mahigit 3,000 indibidwal na naninirahan sa lansangan ang natulungan ng ahensya ngayong taon.

Sa ginanap na Thursday Media Forum sa New Press Center ng DSWD sinabi ni Pag-Abot Program OIC-Division Chief Jayson Oabel, mayroong 3,354 street dwellers ang natulungan na ng nasabing programa, kung saan ang 2,784 dito ay nakabalik na sa kani-kanilang probinsya.

“Mayroon po kaming tinatawag na packages of services, so ito po ay kinapapalooban ng financial assistance at transportation at relocation allowance sa kanilang pag-uwi sa kanila pong mga probinsya,” sabi ni OIC-Division Chief Oabel.

Gayunman, ayon pa rin sa opisyal, bago aniya payagan ng Pag-Abot social workers na makauwi ang kanilang kliyente, nagsasagawa muna ng pre-reintegration case conference ang mga social workers mula sa DSWD Field Offices at local government units (LGUs) upang paghandaan ang reintegration ng mga benepisyaryo..

Kasabay nito, inihayag na rin ng Pag-Abot team division chief ang pagpapaigting ng kanilang mass reach-out operations sa Metro Manila sa pakikipagtulungan na rin sa mga local government units ngayong panahon ng Ber months.

“Ngayon pong mga panahong ito ongoing po yung mga mass reach out para po mabigyan natin ng serbisyo ang ating mga kababayang nasa lansangan at mai-alis po sila duon sa kapahamakang pwedeng kasadlakan po nila kung sila ay mananatili sa lansangan,” sabi ni OIC-Division Chief Oabel.

Ang Pag-Abot Program ay sinimulan sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 52 na inilabas ng Malakanyang. Layon ng program ana tulungan ang mga pamilya at indibidwal na nanunuluyan sa mga kalsada.# (MVC)