Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian stood firm that their office extends assistance to anybody who asks for help as he denied allegations they turned down referral requests for aid from the Office of the Vice President (OVP).
“Every day naman kahit walang referral ‘pag pumunta ka sa tanggapan ng DSWD tinutulungan ka. Hindi mo kailangan ng referral. Kung may referral, tutulungan ka rin,” Secretary Gatchalian said in a radio interview on Tuesday (October 15).
Secretary Gatchalian made the remarks when asked to comment on reports that the DSWD rejected referrals for assistance from the OVP.
Secretary Gatchalian said the DSWD has already coordinated with the OVP for clarification. He said they can provide screenshots of their conversations to disprove the allegations.
“So, para sa akin palagay ko ‘yung mga ‘yun ay sapat na na mga documentation para maipakita namin na wala kaming kinikilingang referral or walang referral, or may referral lahat ng pupunta sa office, tinatanggap naman natin,” the DSWD chief explained.
“Wala kaming record na aming tinanggihan,” Secretary Gatchalian added.
The DSWD chief said they do not politicize helping people as he pointed out that the ones responsible for extending assistance are the licensed social workers, which means their licenses are at risk if they politicize helping those in need.#
Tagalog Version
Walang pulitika sa pagtulong sa mga nangangailangan — DSWD Chief
Nanindigan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibinibigay ng ahensya ang tulong para sa lahat ng nangangailangan kasunod ng pagtanggi nitong mayroong referral request na ibinigay ang Office of the Vice President na tinanggihan ng DSWD.
“Every day naman kahit walang referral ‘pag pumunta ka sa tanggapan ng DSWD tinutulungan ka. Hindi mo kailangan ng referral. Kung may referral, tutulungan ka rin,” sabi ni Secretary Gatchalian sa isang radio interview, ngayong Martes (October 15).
Ang naging pahayag na ito ng kalihim ay bunsod na rin ng umano’y ginawang pagtanggi ng ahensya sa mga referral requests ng OVP.
Ayon kay Secretary Gatchalian, nakikipag-coordinate na ang ahensya sa tanggapan ng OVP upang linawin ang nasabing alegasyon kung saan sinabi rin nito na makagbibigay siya ng screenshots ng naging usapan sa pagitan ng OVP at DSWD upang ipakita na walang pinipili ang DSWD sa mga tinutulungan nito.
“So, para sa akin palagay ko ‘yung mga ‘yun ay sapat na mga documentation para maipakita namin na wala kaming kinikilingang referral or walang referral, or may referral lahat ng pupunta sa office, tinatanggap naman natin,” paliwanag pa ng DSWD chief.
“Wala kaming record na aming tinanggihan,” dagdag pa ni Secretary Gatchalian.
Kasabay nito, binigyang diin ng Kalihim na hindi namumulitika ang DSWD sa ginagawang pagtulong ng ahensya sa mga nangangailangan. Mga lisensyadong social workers aniya ang nagsasagawa ng assessment at validation.#