Sa panahon ng kalamidad, kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga ahensya ng pamahalaan na agarang namamahagi ng tulong sa mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng pamimigay ng food at non-food items na kanilang iaabot sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Gaya ng mga ibang rescuers at responders, ang mga empleyado ng DSWD, na kinikilalang mga “Angels in Red Vest”, ay binubuwis nila ang kanilang buhay upang matulungan ang mga kababayang nangangailangan, kahit gaano pa kapanganib ang pinagdadaanan.

Sa ganitong sitwasyon, hindi rin maiiwasan na pati mismo ang mga frontliner ay mangangailangan din ng tulong. Ngunit, para sa isang kawani ng DSWD, hindi ito naging hadlang upang maglingkod at tumulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Isa na rito si Brendan Tangan, Information Officer mula sa DSWD Field Office II. Bilang tagapaghatid ng wastong impormasyon sa publiko at sa media, maituturing din na isang frontliner si Brendan sa kasagsagan ng sakuna.

Nang tumama ang bagyong Ulysses sa Region II, lubhang naapektuhan ang lugar nila Brendan. Ayon kay Brendan, kahit pa man pinasok na ng baha ang kanilang tahanan, iniisip pa rin niya na maglabas ng wastong impormasyon mula sa mga aktibidad ng FO II, dahil kailangan ito ng publiko.

Sa kalagayang walang kuryente sa lugar, dagdag ang kasagsagan ng baha at pangangailangang mamahagi ng impormasyon, nanatili siya sa kanyang sasakyan upang makapag-charge ng kanyang mga kagamitan para makasagot sa mga katanungan ng media.

Dagdag pa nito, upang maipakita ang pamamahagi ng relief supplies sa mga apektadong pamilya sa Tuguegarao City, tinahak ni Brendan ang baha papunta sa distribusyon gamit lamang ang kanyang bisikleta. Nang tumagal, hindi rin kinaya ng kanyang bisikleta ang baha kaya tinuloy ni Brendan ang paglalakad.

“Imbis na gamitin ko ‘yung bike ko, naglakad nalang ako. Nakakalungkot talagang makita ang mga tao na walang magawa habang dala-dala namin ang mga relief goods. Nagmamakaawa ‘yung mga tao para lamang mabuhay. Hindi ko matanggap sa sarili ko kung ano ang kanilang naranasan noong nakaraang gabi,” ayon kay Brendan.

Nang tanungin kung ano ang nagtutulak sa kanya sa paglingkod sa publiko kahit sa kanyang sitwasyon sa kanyang tahanan, nabanggit ni Brendan na mismong mandato ng DSWD ang kanyang inspirasyon sa pagiging public servant.

“Ang mandato ng DSWD na palaging maghatid ng Serbisyong May Malasakit at May Kalinga’t Pagmamahal, ang nagtulak sa akin na magsumikap upang makakuha ng wastong impormasyon sa mga pangyayari. Ito ang papel ng media, ang magbigay ng totoong impormasyon para sa mga tao, na kung saan lagi kong hinahangad na gawin,” dagdag ni Brendan.

Isa lamang si Brendan sa bumubuo sa mga Angels in Red Vest ng DSWD na patuloy ang pagpapatupad ng serbisyong may malasakit at maagap at mapagkalingang serbisyo para sa mga nangangailangan. Siya ang isang tunay na ehemplo ng isang kawani ng gobyerno. ###

Braving the flood for immediate aid to typhoon-affected families

 In times of disasters, the Department of Social Welfare and Development (DSWD) is among the government agencies that immediately assist local government units (LGUs), through the distribution of food and non-food items to their constituents.

Like other rescuers and responders, DSWD employees, also known as “Angels in Red Vest”,  risk  their lives to help our countrymen in need.

In this situation, it is also inevitable that even the frontliners themselves will need help. But, for one staff of the DSWD, this has not been an obstacle to serve and help those affected by the disaster.

Brendan Tangan, Information Officer from DSWD Field Office II (FO II), is one of them. As the person responsible for the dissemination of accurate and timely information to the public and to the media, Brendan can also be considered as a frontliner at the height of the disaster.

When Typhoon Ulysses hit Region 2, Brendan’s community was also severely affected. Even though floodwaters entered their home, Brendan, nevertheless, continued to do his task of releasing information on the disaster response efforts of FO II, because he believed that the public needed to be informed.

With no electricity, and with floodwaters rising in his area, he decided to bring his car to a safer place and stayed there just so he can charge his gadgets and be able to answer questions from the media.

He added that to cover the distribution of relief supplies to the affected families in Tuguegarao City, Brendan braved the flood in the distribution areas using only his bicycle. After a while, his bicycle bogged down, forcing Brendan to simply walk his way to flooded areas.

“Instead of using my bike, I walked. It was heart-breaking, seeing the people become helpless as they asked for the goods we were carrying. It was like the people were begging for survival. I cannot imagine the difficulties they went through that night of the typhoon,” Brendan said.

When asked what drove him to continue serving the public despite his family being affected by the typhoon,  Brendan said that the DSWD’s mandate is his driving force to fulfill his duties as a public servant.

“The mandate of the Department which is to always deliver Serbisyong May Malasakit at May Kalinga’t Pagmamahal serves as the driving force for me to do my best in getting information from the ground. Providing accurate and timely information is the sole and most vital role of media which I always aspire to do,” Brendan added.

Brendan’s commitment to continue providing prompt and caring services to those in need despite difficulties is truly a proof of being a true public servant. ###