In line with the administration’s continuous effort to assist the families and individuals affected by Severe Tropical Storm ‘Kristine, President Ferdinand R. Marcos Jr, together with Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian and other Cabinet officials, led the distribution of presidential assistance to select farmers, fisherfolk and their families in the province of Batangas.

Secretary Gatchalian assisted President Marcos in handing out financial assistance to more than 4,000 beneficiaries during the consecutive aid distributions in the municipalities of Talisay and Laurel in Batangas province on Monday (November 4).

“Nais ko pong ipaabot ang aming taos-pusong pakikiramay sa bawat Pilipino na naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’. Itinalaga natin ang araw na ito bilang National Day of Mourning sa ilalaim ng Proclamation No. 728. Batid namin na hindi madaling maibsan ang sakit na inyong pinagdadaanan ngunit umaasa kami na sa suportang handog ngayon, kayo ay makapagsimula muli,” President Marcos said during the cash aid giving to Talisay residents.

The beneficiaries from the municipalities of Laurel, Talisay, and Agoncillo received Php10,000 each under the agency’s Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

“Makaaasa kayo na ang pamahalaan ay patuloy na kabalikat ninyo sa pag-ahon mula sa hamong ito. Ang Tanggapan ng Pangulo, sa pamamagitan ng DSWD, ay magbabahagi ng Php60 million na tulong sa anim na munisipalidad ng Batangas, kasama ang bayan ng Laurel,” the President said in his message to the residents of Laurel town.

Among the assistance provided by the chief executive was a check worth Php10 million from the Office of the President (OP) to each of the local government units (LGUs) of Talisay, Agoncillo, Lemery, Cuenca, Balete and Laurel.

The President said he reiterated his directives to all the government agencies on strengthening the disaster management to prevent the loss of life due to calamities.

The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), of which the DSWD is the vice-chair for Disaster Response, was tasked to check its disaster response strategies and procedures to ensure immediate assistance to affected communities.

“Layunin natin na hindi na maulit ang pagkawala ng buhay dahil sa kalamidad. Totoo na mas matindi ang mga bagyo ngayon—mas malawak, mas malakas, mas mabili ang pagbabago. Kaya inulit ko ang mga kautusan sa mga ahensya ng pamahalaan… Ang NDRRMC at iba pang ahensya ng pamahalaan ay naatasan na rin na suriin ang kanilang pamamaraan sa ilalim ng disaster response upang mas  mabilis tayong makapaghatid ng tulog sa mga naapektuhan na pamayanan,” President Marcos pointed out.

Based on the November 4 Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC) report of the DSWD, a total of 241,516 families or 1,024,780 individuals were affected by STS ‘Kristine’.

The Cabinet officials who were present during the aid distributions include Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio “Anton” Lagdameo Jr., Department of Agriculture  (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, and Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar. (YADP)

 

Tagalog Version

 

PBBM, DSWD chief namigay ng cash aid sa mga Batangueñong magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya na sinalanta ng bagyong Kristine

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, kasama ang ilan pang Cabinet officials, ang pamimigay ng tulong pinansyal sa mga mangingisda at magsasaka at pamilya nito na sinalanta ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas.

Sinamahan ni Secretary Gatchalian ang Pangulo sa pamamahagi ng cash assistance sa mahigit 4,000 beneficiaries sa ginanap na aid distributions sa munisipalidad ng Talisay at Laurel sa Batangas nitong Lunes (November 4).

“Nais ko pong ipaabot ang aming taos-pusong pakikiramay sa bawat Pilipino na naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’. Itinalaga natin ang araw na ito bilang National Day of Mourning sa ilalaim ng Proclamation No. 728. Batid namin na hindi madaling maibsan ang sakit na inyong pinagdadaanan ngunit umaasa kami na sa suportang handog ngayon, kayo ay makapagsimula muli,” ani President Marcos.

Ang mga benepisyaryo mula sa munisipalidad ng Laurel, Talisay, at Agoncillo ay nakatanggap ng tig -Php10,000 mula sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng ahensya.

“Makaaasa kayo na ang pamahalaan ay patuloy na kabalikat ninyo sa pag-ahon mula sa hamong ito. Ang Tanggapan ng Pangulo, sa pamamagitan ng DSWD, ay magbabahagi ng Php60 million na tulong sa anim na munisipalidad ng Batangas, kasama ang bayan ng Laurel,” sabi ng Pangulo sa kanyang mensahe sa mga residente sa bayan ng Laurel.

Kabilang din sa mga ibinigay na tulong ang tseke na nagkakahalaga ng Php10 million mula sa Office of the President (OP). Ibinigay ito ng Pangulo sa mga local government units (LGUs) ng Talisay, Agoncillo, Lemery, Cuenca, Balete at Laurel.

Binigyang diin ng Pangulo ang kanyang direktiba sa lahat ng government agencies na palakasin ang disaster management upang maiwasan ang bilang ng mga nasasawi dulot ng kalamidad.

“Layunin natin na hindi na maulit ang pagkawala ng buhay dahil sa kalamidad. Totoo na mas matindi ang mga bagyo ngayon—mas malawak, mas malakas, mas mabili ang pagbabago. Kaya inulit ko ang mga kautusan sa mga ahensya ng pamahalaan… Ang NDRRMC at iba pang ahensya ng pamahalaan ay naatasan na rin na suriin ang kanilang pamamaraan sa ilalim ng disaster response upang mas mabilis tayong makapaghatid ng tulog sa mga naapektuhan na pamayanan,” paglilinaw ni Pangulong Marcos.

Batay sa November 4 report mula sa Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC) ng DSWD, may kabuuang bilang na 241,516 families o 1,024,780 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’.

Kabilang sa mga Cabinet officials na dumalo sa aid distributions sina Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio “Anton” Lagdameo Jr., Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar.# (MVC)